Ogie sa ‘sexual assault case’ ni Noven Belleza: Ipagdarasal ko siya, sana malampasan niya ito! | Bandera

Ogie sa ‘sexual assault case’ ni Noven Belleza: Ipagdarasal ko siya, sana malampasan niya ito!

Ervin Santiago - July 21, 2017 - 12:20 AM

OGIE ALCASID AT NOVEN BELLEZA

IPINAGDARASAL ni Ogie Alcasid ang Tawag Ng Tanghalan grand winner na si Noven Belleza kaugnay ng kinasasangkutan nitong kasong sexual assault.

Sa presscon ng bagong album ni Ogie na “NakakaLokal” sa ilalim ng Star Music, natanong ang Ultimate Singer-Songwriter tungkol sa kinakaharap na kasong sexual assault ni Noven matapos ireklamo ng isang local entertainer sa Cebu.

Isa si Ogie sa mga hurado ng Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime kung saan si Noven nga ang itinanghal na grand champion noong Marso.

“Full support kami kay Noven, well I can speak for myself. I will pray for him na you know maayos niya ito. Hindi ko alam ang buong istorya nito and siyempre kailangan nating malaman ‘yung buong kuweto but at the same time Noven is kasama natin, he is our champion so we need to pray for him,” ang pahayag ni Ogie.

Ayaw nang magkomento pa ng singer-comedian tungkol sa kaso dahil aniya, nasa korte na ito. Basta ang magagawa lamang niya ay ipagdasal ang binata na malampasan ang pagsubok na ito sa kanyang buhay.

“I cannot comment on that, hindi ko alam ang totoo eh, I don?t know. I hope he is okay and I hope the aggrieved party is okay too, dalawang party ‘yan eh. Sana maayos na,” sey pa ng mister ni Regine Velasquez.

Samantala, ibinalita rin ni Ogie sa kanyang album launch na siya sana ang magiging host ng Pinoy version ng American children and talent show na Little Big Shots hosted by Steve Harvey.

Nalungkot nga raw ang asawa niyang si Regine nang mawala ang proyekto sa kanya at mapunta kay Billy Crawford.

“Lagi kasi niyang pinapanood ‘yon. Siguro nagdamdam si Regine for me dahil gusto niya sa akin ‘yon. But like I always say mayroong nababagay sa iyo, mayroong hindi. And thinking now sa schedule ko parang ‘di ko rin yata magagawa,” ani Ogie.

Dugtong pa niya, “I’m just thankful to ABS-CBN that they even considered, that I was given the opportunity to do the mock shoot. And I’m so happy that it went to Billy. I’m very proud of him. Obviously he deserves it more than I do. I even texted him. Sabi ko, ‘Pare, I’m 100% behind you all the way’ and I wish him all the success.”

Samantala, pagkatapos nga ng kanyang pagbabalik sa ABS-CBN last year, mayroon na namang malaking pasabog ang OPM icon sa kanyang paglulunsad ng unang album mula sa Star Music, ang “NakakaLokal” na isang kakaibang collaboration kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

Ito ang unang pagsasanib-pwersa ng premyadong grupo sa isang solo artist para sa isang album. Kakaibang kombinasyon ang ibibigay ng beteranong singer kasama ang orchestra, sa pangunguna ng music director nito na si Gerard Salonga, para sa mga makikinig at nag-aabang sa pinakabagong mga awiting OPM sa radyo.

“Mas maganda ang tunog ng isang kanta pag kasama ang orchestra kasi maraming hindi nagagawa ang makina o ang software na nagagawa ng orchestra. Pangarap ko talagang makatrabaho ang Philharmonic Orchestra,” ani Ogie.

May 10 tracks ang bagong collection ni Ogie, anim dito ay mga orihinal na komposisyon kasama na ang “NakakaLokal,” “Ikaw ang Tanging Pag-ibig Ko,” “Akala Ko,” “Di Na Muli,” “Di Ka Pababayaan,” at “Do You Wanna Dance With Me.”

Pinaka-excited si Ogie sa “NakakaLokal” dahil ito ang napiling official theme song para sa Himig Handog PPop Love Songs this year, “Kapag narinig mo siya, maiintindihan mo na ‘ah eto pala ‘yung album ni Ogie.’ Parang binibida niya ‘yung musikang Pinoy,” dagdag niya.

May medley din si Ogie kasama ang asawang si Regine, kasama rito ang classic hits na “Kailangan Ko’y Ikaw,” “Pangako” at “Hanggang Ngayon.”

Nasa album din ang bagong version niya ng “Kailangan Kita”, “Ikaw Ang Aking Pangarap” at “Ikaw Lamang”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang unang album niya sa ilalim ng Star Music ay ipinrodyus ni Jonathan Manalo. Ito ay mabibili na sa lahat ng digital stores worldwide. Mabibili rin ito sa lahat ng record bars nationwide. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Starmusic.ph o sundan ang official social media accounts ng Star Music sa Facebook.com/starmusicph, Twitter.com/starrecordsph at Instagram.com/Starmusicph.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending