Bitoy pumayag nang mag-taping sa studio ng 'Bubble Gang': Malakas na ang loob ko ngayon, vaccinated na ako, may booster pa | Bandera

Bitoy pumayag nang mag-taping sa studio ng ‘Bubble Gang’: Malakas na ang loob ko ngayon, vaccinated na ako, may booster pa

Ervin Santiago - May 18, 2022 - 12:39 PM

Archie Alemania, Frasco Mortiz, Michael V at Paolo Contis

FEELING blessed and grateful ang mga Kapuso stars na hindi natanggal sa nangyaring revamp sa longest-running gag show sa bansa, ang “Bubble Gang”.

Ilan nga sa na-retain na mga ka-Bubble ay ang mga sexy bombshells ng GMA 7 na sina Valeen Montenegro, Analyn Baro at Faye Lorenzo.

Sabi ng tatlong Kapuso sexy comedienne, mas lalo pa raw nilang gagalingan ang kanilang performance sa mga pagbabagong mangyayari sa “Bubble Gang”.

“Siyempre, kailangan maging pleasing to the eyes pa rin kami. Ilalaban naming mga girls ‘yan. Kailangan magpakita kami ng skin,” sabi ni Valeen sa virtual mediacon ng programa kamakailan.

Kuwento pa ng dalaga, bukod sa mga bagong paandar ng “BG” ay may mga ire-retain pa rin silang segments na talagang patok na patok pa rin sa manonood.

“One of the old ones, meron kaming ‘Tata Lino’ at maybe meron pa ring ‘Balitang Ina’ with Chariz Solomon.

“Meron din kaming ‘Marites, Mare Anong Latest?’ yung nagtitipon ang mga tsismosa at papasok ang mga TikTokerist,” ani Valeen.

Chika naman ni Analyn, “Tuluy-tuloy pa rin ang pagpapa-sexy. Siyempre, gagawin po namin lahat para mapaganda po yung program. Gagawin po namin yung best effort naming para mas nakakasaya.”

Hirit naman ni Faye, “Masaya kasi, iba’t ibang karakter ang ginagawa mo. Marami kang matutunan sa Bubble na hindi mo ini-expect na hindi mo pala kayang gawin. Natutunan mo siya, naaaral mo siya. Marami ka talagang matutunan.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)


Samantala, last Monday naman ay balitang nagkita na sa studio ng GMA ang frontman ng “Bubble Gang” na si Michael V at ang direktor ng show na si Frasco Mortiz.

Makalipas ang mahabang panahong work from home ay pumayag na rin si Bitoy na mag-taping sa studio kaya ito ang unang pagkakataon na magkakatrabaho sila ni Direk Frasco nang face to face.

Kuwento ni Direk Frasco, “Mula nung pumasok ako, never ko pa nakasama sa studio (si Bitoy).” Na sinagot naman ni Bitoy ng, “Siyempre, hindi ako titigil sa pagiging maingat at pagiging cautious. Ganu’n pa rin siyempre.

“Although, mas malakas na ang loob ko ngayon dahil siguro vaccinated na ako, may booster na. Saka nakikita ko na yung turnout ng mga pumapasok sa ganitong trabaho, at ang pagbalik dito sa new normal na tinatawag,” lahad ng veteran comedian.

Ngayong taon lang pumasok si Direk Frasco sa “Bubble Gang” na  27 years nang namamayagpag sa GMA 7, “We’re really excited dun sa bagong chapter. I think parang lahat on their toes.
“Lahat, excited na pagandahin pa lalo yung programa. Slowly, binabago na naming yung flow ng programa,” sabi pa ng direktor.

“Basta bibigyan ng pagkakataong mabigyan ng opportunity to do something new. Mas makikita ng mga tao na, Uy, kaya pala nila!’

“Kumbaga, masosorpresa rin ang mga tao sa gagawin ng mga artista na kaya pala nilang gawin yun. It’s a mixture of old and new. Pero we’re making sure the way we package it, bago siya,” promise pa ng young director.

https://bandera.inquirer.net/313433/sinu-sino-ang-mga-natsugi-sa-bagong-version-ng-bubble-gang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/313329/michael-v-susundin-ko-ang-gobyerno-kahit-hindi-kita-binoto
https://bandera.inquirer.net/294704/kuya-kim-pangarap-ding-makatrabaho-si-bitoy-sa-bubble-gang-may-bwelta-sa-bashers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending