Palabang sexy star na si Christine Bermas ayaw munang magpabuntis; type na type si Joshua Garcia | Bandera

Palabang sexy star na si Christine Bermas ayaw munang magpabuntis; type na type si Joshua Garcia

Ervin Santiago |April 04,2022
facebook
share this

Palabang sexy star na si Christine Bermas ayaw munang magpabuntis; type na type si Joshua Garcia

Ervin Santiago - April 04, 2022 - 02:15 PM

Christine Bermas at Joshua Garcia

SA edad niya ngayong 19, walang-wala pa sa plano ng Vivamax sexy actress na si Christine Bermas ang magka-boyfriend o ang magpabuntis.

Ayon sa dalaga, mas gusto muna niyang mag-focus sa kanyang career at naniniwala siya na darating din ang tamang panahon para sa lovelife.

“For now, i-appreciate mo kung anong meron ka at ipagpatuloy mo ang ginagawa mo,” sabi niya sa isang panayam na isa sa mga mabentang aktres sa mga pelikula ng Vivamax.

Palabas na ngayon sa nasabing streaming app ng Viva Entertainment ang pelikula niyang “Sisid” kung saan nabuntis ang kanyang karakter. Pero aniya, “In real life, hindi. Hindi ko gagawin yun.”

Sa tanong kay Christine kung may mga nakatrabaho ba siya na nagparamdam o nanligaw sa kanya, “Wala pa naman so far. Kasi feeling ko, lahat sila taken! Ha-hahahaha!”

Bukod sa “Sisid” na idinirek ni Brillante Mendoza, ang ilan pang pelikula ni Christine ay ang “Silab”, “Siklo”, “Moonlight Butterfly” (katambal ang kontrobersyal na si Kit Thompson) at ang “Island of Desire” na parehong idinirek ni Joel Lamangan.

“Iba yung story nitong Island of Desire, e. As in sa lahat ng nagawa kong movies with Direk Joel, parang ito ang masasabi kong favorite ko,” kuwento ni Christine.

Kasama rin sa “Island of Desire” sina Sean de Guzman, Jela Cuenca, Rash Flores, Massimo Scofield, Sheree, Jim Pebanco at AJ Oteyza.

Natanong din ang dalaga kung anu-ano ang mga natutunan niya mula  kina Direk Brillante at Direk Joel?

“Ang dami. Ang dami kong natutunan sa kanila. Knowing na bago ka pa lang na aktres, tapos napupunta ka sa mga direktor na alam mong batikan at award-winning.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chris Ber (@christinebermas_)


“Kay Direk Joel talaga ako nag-start. Mas binuild-up niya yung kakayahan ko, and meron silang pagkakaiba ni Direk Brillante.

“Kasi, si Direk Brillante, hindi siya gumagamit ng script. Gusto niya, nakikita yung natural na akting sa mga artista niya.

“Si Direk Joel is using script, pero gusto niya na malaya mo ring naibibigay yung character sa sarili mo.

“Kailangan lang na marunong kang makinig at sumunod sa mga instructions, and para hindi kayo, like, hassle sa shoot.

“Natutunan ko sa kanilang dalawa ng act natural, be natural. Ibigay mo yung kayang ibigay ng sarili mo. Kasi, pag nabigay mo na yun, susunod at susunod na yung way kung paano mo dalhin ang sarili mo as an actress,” pahayag ng dalaga.

Samantala, isa sa mga ultimate dream project ni Christine ay ang isang romcom with Cathy Garcia-Molina as the director.

“Kung mabibigyan ng opportunity, I want to work with Direk Cathy! At siyempre po, sana makatrabaho ko rin si Joshua Garcia,” aniya pa.

Super idol at super crush niya raw talaga ang aktor kaya nang tanungin kung sakaling pormahan  siya ni Joshua, sasagutin ba niya agad ang aktorm

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Why not?! Ha-hahahaha!  Charot! Charot lang. Hindi naman siguro aabot sa ganu’ng ligaw stage,” ang kinikilig pang chika ni Christine sa nasabing panayam.

Kit, Albie ‘bibinyagan’ si Christine Bermas sa sex-drama spy thriller na ‘Moonlight Butterfly’

Albie sa paglalagay ng plaster sa kanyang ‘bukol’: Sobrang hirap, masakit siyang tanggalin!

Baguhang sexy star proud na umaming naging kasambahay, nagtinda rin ng mga kakanin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending