Vivamax Bombshell Christine Bermas nahirapan sa kakaungol

Vivamax Bombshell Christine Bermas nahirapan sa kakaungol sa ‘Rita’

Ervin Santiago |March 19,2024
facebook
share this

Vivamax Bombshell Christine Bermas nahirapan sa kakaungol sa ‘Rita’

Ervin Santiago - March 19, 2024 - 06:10 AM

Vivamax Bombshell Christine Bermas nahirapan sa kakaungol sa 'Rita'

Christine Bermas

SUMABAK na rin ang award-winning director na si Jerry Lopez Sineneng sa paggawa ng sex-drama sa pamamagitan ng streaming app na Vivamax.

Tinanggap ni Direk Jerry ang hamon nina Boss Vic del Rosario at ng iba pang executives ng Viva Entertainment na makagawa ng isang matapang at palabang pelikula sa Vivamax.

Ang tinutukoy namin ay ang “Rita” na pinagbibidahan ng isa sa mga Vivamax Queen na si Christine Bermas kasama ang mga palaban din sa hubaran na sina Gold Aceron at Victor Relosa.

Ayon sa veteran TV and movie director, tinanggap niya ang “Rita” dahil napakaganda ng material at matagal na raw niyang gustong makagawa ng sexy-drama film na pwede rin niyang ipagmalaki sa manonood.

Baka Bet Mo: Jerry Yan sasabak sa bagong romantic series; US-based na Pinoy Math teacher mabenta sa ‘Rampanalo’ ng Showtime

Sabi pa ng direktor, naging inspirasyon niya sa pagbuo ng kanyang first-ever Vivamax project, si Peque Gallaga at ang pelikula nitong “Scorpio Nights.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Christine Bermas (@christinebermas_)


“Masarap. Fulfilling for me. Yung totoo lang, when I saw ‘Scorpio Nights’ of my ‘tatay’ Peque Gallaga, sabi ko, pagdating ng araw sana makagawa ako ng…hindi ko sinasabing ‘Scorpio Nights’ ‘to ha, pero sana makagawa ako ng kamukha ng Scorpio Night.

“Hindi iyon ikinakahiya ni Peque, sobrang proud siya talaga do’n, lahat ng nandoon very proud. Sana lang maabot ko yun sa career ko and thank god, I’m proud of ‘Rita’ talaga. Hindi lang hubaran nang hubaran,” sabi pa ni Direk sa naganap na presscon ng “Rita” last March 14 sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City.

Samantala, inamin naman ng lead star ng pelikula na Christine Bermas na talagang matindi ang physical and emotional demands ng kanyang role.

Baka Bet Mo: Palabang sexy star na si Christine Bermas ayaw munang magpabuntis; type na type si Joshua Garcia

“Actually, hindi naman ako nahirapan sa mga sexy scene. Siguro, nahirapan lang ako sa kakaungol. To be honest, parang binababaan ko, tapos inaangat, so sabi ko, ‘Wait lang, Victor, parang mahihimatay na ‘ko. Wait lang!’ Kasi, kapag ungol ka nang ungol, parang yung utak mo naaano.

“Pero wala akong complaint sa mga sex scene namin kasi lahat naman ng guys sa ‘Rita’ sobrang gentleman nila and caring nila sa akin. Napulikat din ako, oo, tapos medyo sumama yung likod ko kasi siguro kaka-bend. Pero no complaint naman sa lahat ng sex scene,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Christine Bermas (@christinebermas_)


Iikot ang kuwento ng movie sa buhay ni Rita (Christine), isang bagong-kasal pero  agad magtataksil. Iiwan niya ang pagtatrabaho sa bar nang makapag-asawa ng OFW.

Pero dahil marami rin siyang oras para sa sarili at malayo sa asawa, magiging marupok ito sa temptasyon. Ulila na sa magulang si Rita, at ang nakababatang kapatid (Gold Aceron) lang ang kanyang kasama.

Si Victor Relosa ay gumaganap bilang si Ariel, nakakuha ng trabaho bilang driver sa ibang bansa. Mabait, matulungin, pursigido sa buhay at lalaking-lalaki ang dating nito kaya naman nakuha niya si Rita.

Mahirap para kay Ariel na malayo kay Rita pero mas matinding hirap pa pala ang dadanasin niya sa Qatar.

Sa dalawang taon na hindi sila magkasama, magkakaroon ng relasyon si Rita at ang best friend ni Ariel na si Royce na ginagampanan ni Josh Ivan Morales.

Adik sa sugal si Royce, at sa pagbabalik ni Ariel, huhuthutan niya ng pera si Rita para manatiling sikreto ang kanilang relasyon.

Sabi nga, walang lihim na hindi nabubunyag. Abangan ang paglabas ng katotohanan at ang magiging reaksyon dito ni Ariel. Tuluyan bang mawawasak ang kanilang pagsasama at ang buhay ni Rita?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alamin ang mga pasabog sa “Rita” na mapapanood na sa Vivamax simula sa March 22.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending