Vivamax bombshell Ayanna Misola pwede nang manalong best actress; sex-drama-thriller na 'Bula' baliw-baliwan ang peg | Bandera

Vivamax bombshell Ayanna Misola pwede nang manalong best actress; sex-drama-thriller na ‘Bula’ baliw-baliwan ang peg

Ervin Santiago |August 31,2022
facebook
share this

Vivamax bombshell Ayanna Misola pwede nang manalong best actress; sex-drama-thriller na ‘Bula’ baliw-baliwan ang peg

Ervin Santiago - August 31, 2022 - 11:54 AM

Gab Lagman, Ayanna Misola at Mon Confiado

HINDI na kami magtataka kung dumating ang araw na tatawagin na ring award-winning actress ang Vivamax bombshell na si Ayanna Misola.

In fairness, may ibubuga naman talaga ang dalaga pagdating sa aktingan at ilang beses na niyang napatunayan yan sa mga past movies niya sa Viva Films.

Ilan nga sa mga top rating Vivamax Originals na pinagbidahan ni Ayanna ay ang “Kinsenas, Katapusan,” “Putahe,” “Siklo,” at ang remake ng classic Viva Films movie na “Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili.”

Kagabi, napanood namin ang pinakabago niyang pelikula, ang sex-drama-comedy-thriller na “Bula” kung saan nakasama niya sina Mon Confiado, Gab Lagman at ang isa pang palaban sa hubarang sexy star na si Rob Guinto, sa direksyon ni Bobby Bonifacio, Jr..

Sa totoo lang, nabaliw kami sa movie dahil iba’t ibang klase ng reaksyon at emosyon ang naramdaman namin habang pinanonood ito sa ginanap na private screening sa Gateway Mall cinema 7.

Sabi nga nina Direk Bobby at Ayanna, baliw-baliwan talaga ang “Bula” dahil sa tema at konsepto nitong patatawanin ka at pagkatapos ay paiiyakin ka naman sa susunod na eksena. Bukod pa riyan ang mga nakakalokang twist sa ending.

View this post on Instagram

A post shared by Ayanna M (@ayannamisola)


In fairness, bukod sa pagpo-frontal ni Ayanna sa pelikula at sa pasabog na sex scenes niya kasama sina Mon Confiado at Gab Lagman, talagang mapapansin na ng mga manonood ang husay ng dalaga sa pag-arte, lalo na sa mga eksena nila ni Mon na gumaganap na baldado niyang “lover.”

Siguradong magmamarka rin sa Vivamax subscribers ang confrontation scene nila ni Gab Lagman nang mabuking na ang mga itinatago niyang sikreto bilang si Meldie na attendant sa isang laundry shop.

Sa unang tingin, sweet at mabait tingnan si Meldie, pero sa likod ng maamo niyang mukha ay isang babaeng mapanlinlang na gagawin ang lahat makuha lang ang gusto niya.

May kakaiba ring fetish si Meldie na isuot ang mga damit ng mga kliyente bilang foreplay na nakakapagsatisfy ng kanyang mga sexual fantasies.

Magkakagusto rin si Meldie sa isang gwapong police officer na kliyente niya sa shop, si Jacob (Gab), na may girlfriend namang si Celine (Rob Guinto). Kahit na may asawa na at alam na may girlfriend si Jacob, gagawa pa rin ng paraan si Meldie para mapalapit siya sa gwapong pulis sa kahit anong paraan na gusto niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Bula” sa Vivamax simula sa September 2.

Ayanna Misola nag-sorry kay Gab Lagman matapos kunan ang sex scene sa ‘Bula’: Nagulat ako pero itinuloy ko na!

Baguhang sexy star na si Ayanna Misola walang takot sa paghuhubad, na-challenge kay Joko Diaz

Ayana Misola, Janelle Tee nagbago ba ang preference matapos ang love scenes sa ‘Putahe’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending