Vivamax Sex Siren Arah Alonzo ayaw magpahawak sa boobs

Vivamax Sex Siren Arah Alonzo ayaw na ayaw magpahawak sa boobs

Ervin Santiago |April 10,2024
facebook
share this

Vivamax Sex Siren Arah Alonzo ayaw na ayaw magpahawak sa boobs

Ervin Santiago - April 10, 2024 - 06:59 AM

Vivamax Sex Siren Arah Alonzo ayaw na ayaw magpahawak sa boobs

Arah Alonzo

MALAKAS ang dating ng Vivamax Sex Siren na si Arah Alonzo, isa sa mga alaga ng talent manager na si Jojo Veloso.

Bukod sa maputi, maganda at flawless talaga, may ibubuga rin sa akting si Arah kaya naman binigyan na siya ni Boss Vic del Rosario ng bonggang pelikula.

Humarap ang dalaga sa presscon ng bago niyang Vivamax Original Movie na “Stag” kasama sina Gold Aceron, Denise Esteban, Aerol Carmelo, Allan Paule, Yda Manzano at Jaime Fabrigas.

Baka Bet Mo: Wilbert Ross sinabing importante ang sex education: Lalo na medyo mataas ang ating teenage pregnancy

Natanong siya kung paano siya napasok sa showbiz, “Nagte-teatro na rin naman ako bago pa ako mapasok sa Viva. Then bata pa ako nagwo-workshop na ako. Kasi ‘yung mommy ko nagte-teatro rin, commercials, short films kaya parang nasa hilig ko rin ang acting.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Arah Alonzo (@arahalonzo_)


“Pero hindi ko ine-expect noong una na mapupunta ako sa Vivamax dahil mahiyain talaga ako,” pag-amin ng sexy star.

“Shy type talaga ako. Parang unti-unti akong lumalabas sa shell ko. Then ayun na pagpunta namin sa Viva office nakita ako ni Boss Vic, ayun pinapirma na agad ako ng kontrata. Tapos nagulat ako hindi lang contract sa Viva, movie contract talaga na may mga nakalinya nang pelikulang gagawin ko.

“January ako pumirma ng kontrata at January din ako nag-start mag-shoot. Nasabi ko sa sarili ko na ‘sige accept ko na ito baka mamaya ito talaga ang para sa akin.’

“Kasi nag-e-explore na naman ako rati. Tapos eto na nga, minahal ko naman na ang work ko,” chika ni Arah.

Baka Bet Mo: Bianca sinagot ang tanong na, ‘is sex better with a basketball player or with an artist?’

Ang “Stag” na idinirek ni Jon Red ang 6th movie niya sa Vivamax. Nakasama rin siya sa mga pelikulang “Sssshhh!”, “Sex Games”, “Star Dancer”, “Kalikot”, at “Araro.”

Sa anim na pelikulang nagawa na ni Arah sa Vivamax, mas tumapang pa siya pagdating sa paghuhubad at paggawa ng sex scenes. Pero may limit pa rin naman daw siya sa pagpapa-sexy.

“Hindi ako nagpapahawak ng boobs. Pero depende pa rin sa situation. Nag-a-ask din kasi ang mga co-artist ko kung hanggang saan ang limitations ko.

“Pero minsan kasi kapag gusto kong maging makatotohanan ang movie, para mas gumanda talaga, okey na rin may tiwala kasi ako sa mga co-artist ko.

“And madali gawin ang mga ganoong bagay kapag kampante ka at kaibigan mo na ang mga katrabaho mo,” ani Arah.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Arah Alonzo (@arahalonzo_)


Pangarap din niyang maging action star at gusto niyang makatrabaho si Alden in the future, “Feeling ko bagay kami! Ha-hahaha! Joke! Ang galing kasi niyang umakting. Feeling ko marami akong matutunan sa kanya.”

Payag ba siyang gumawa ng sexy movie with Alden? “Pwede, depende. Ha-hahaha! Pag-iisipan ko, joke po! Pero sana. ‘Hello Alden.’”

Samantala, sa kuwento ng “Stag”, ang isang gabi na dapat ay para sa kasiyahan at pagpa-party ay mauuwi sa isang gabing puno ng misteryo at mga ‘di pangkaraniwang pangyayari na hindi basta-basta maibabaon sa limot.

Ang kuwento ay iikot kina Leon (Gold) at Ara (Arah) na matagal nang magkarelasyon pero hindi pa rin nagpapakasal.

Wala pa ring balak si Leon na mag-commit o mapropose sa girlfriend at matagal na itong nagiging issue, hindi lang sa kanilang dalawa, kundi pati na rin sa kanilang mga kaibigan at pamilya.

Ang best friend naman ni Leon na si Carl (Aerol) ay ikakasal na, at sina Leon at ang iba pa nilang mga kaibigan ay nag-organize ng isang stag party para kay Carl. Pero habang papunta sa party ay mawawala si Leon at titirik ang sasakyan sa isang liblib na lugar.

Isang magandang dalaga na nagngangalang Lara (Denise) ang lalapit at tutulong kay Leon. Iimbitahan rin siya nito na magpalipas muna ng oras sa kanilang mansyon habang inaayos ng mekaniko ang sasakyan.

Sa mansyon, makikilala ni Leon ang iba pang kapamilya ni Lara, pagsisilbihan siya ng mga ito at ipaghahanda ng masasarap na pagkain at inumin. Pero kahit mabait ang pakikitungo nila kay Leon, mayroong ‘di pangkaraniwan at masamang kutob na dala ang pamilya.

Magpapalipas ng gabi si Leon sa mansyon, at sa kanyang pagtulog ay mapapanaginipan niya si Ara. Sa panaginip na ito ay kasama siya ni Ara at ginagawa nila ang mga sensual at wildest fantasies nila sa isa’t isa.

Pero sa kanyang paggising, mabibigla na lang si Leon dahil makikita niya si Lara na kumikilos at handa nang galawin at akitin siya. Ang hindi alam ni Leon, isa lang ito sa marami pang nakagugulat at ‘di mapaliwanag na pangyayari na mararanasan niya sa loob ng mansyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood na ngayon ang “Stag” sa number one streaming platform na Vivamax.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending