Bianca sinagot ang tanong na, 'is sex better with a basketball player or with an artist?' Bandera

Bianca sinagot ang tanong na, ‘is sex better with a basketball player or with an artist?’

Ervin Santiago |May 14,2021
share this

Bianca sinagot ang tanong na, ‘is sex better with a basketball player or with an artist?’

Ervin Santiago May 14,2021 - 09:05 AM

SINAGOT ng Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez ang tanong kung kanino siya mas nag-eenjoy pagdating sa usaping sex — sa basketball player o sa artist?

Ang tinutukoy sa nasabing question ay ang asawa ni Bianca na si JC Intal na bukod sa pagiging mahusay na basketball player ay isa ring magaling na artist na nahihilig nga ngayon sa pagpipinta.

Nagbahagi sina JC at Bianca ng ilang detalye sa about their relationship as married couple sa interview ni G3 San Diego, at dito nga napag-usapan ang tungkol sa kanilang sex life.

Diretsahang tanong kay Bianca, “Is sex better with a basketball player or with an artist? Kasi both are prolific lovers, ‘di ba? Kasi ‘di ba if you’re a basketball player parang ‘ay he must be so good with the ball and with an artist also?”

Ang punto ni G3, kung pareho lang ba ang ibinibigay na “passion” ni JC sa pakikipag-sex sa kanyang asawa kung nananalo ang team niya sa isang basketball game at kapag nakakatapos siya ng isang obra sa pagpipinta.

“No. I can’t compare because it’s the same person,” sagot ni Bianca. “I honestly have never thought about it that way na I’m making love with a basketball player or an artist. Never,” dagdag niyang paliwanag.

“But, I have to say that one trait of his is he is passionate whether as a basketball player or as an artist or as a husband and as a father,” aniya pa.

Naikuwento rin ng TV host ang tungkol sa astrological sign ni JC, “Tsaka I don’t know if this means anything. I just learned this recently. He’s a Scorpio. So everyone always says ‘Oh my God he’s a Scorpio. Scorpios daw are sexual. Scorpio nights. So Scorpio siya.”

Hirit naman ni JC, “Always make love.”

Samantala, matagal na raw nagpipinta si JC at sa katunayan, nagkaroon na siya ng dalawang matagumpay na exhibit.

“It started when I was in grade school, high school. But when I started playing basketball, nawala na ‘yung art,” chika ng cager.

Bumalik lang daw ang passion niya sa pagpipinta nang bumisita siya sa bahay ng isang kaibigan, “When we went to his house, nakita ko ‘yung studio niya. Like sabi ko ‘Wait, artist ka pala. Napakagaling mo.’

“And then ‘yun, when I got home, sabi ko mag-paint kami ni Lucia. So du’n nag-start, nagpi-paint kami dito sa house,” lahad pa ng basketball player at artist.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending