Bianca Gonzalez nag-audition sa GMA pero nganga; PBB hosts lafang bonding

Bianca Gonzalez
NAG-AUDITION din ang Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez sa isang programa ng Kapuso Network pero hindi raw siya pinalad na makapasa.
Naikuwento ni Bianca na apat na beses na rin siyang nakatapak sa building ng GMA Network sa ilang taon na niyang pamamayagpag bilang host ng ABS-CBN.
At very soon, finally, ay mapapanood na rin siya sa GMA bilang isa sa mga host ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition“, ang bagong historical na pagsasanib-pwersa ng GMA at ABS-CBN sa telebisyon.
Makakasama pa rin ni Bianca sa pagbabalik ng iconic reality show ng Kapamilya Network sina Robi Domingo, Melai Cantiveros at Alexa Ilacad with Kapuso stars Gabbi Garcia and Mavy Legaspi as co-hosts.
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay Bianca nitong Martes, March 4, naichika nga niya ang pag-audition para maging isang Kapuso host noon.
“First time, mga dalawang dekada na ang nakalipas, nag-audition ako ng show dito, Tito Boy. Mga lumang tao lang ang makakaalala nito, ‘3R,’” kuwento ni Bianca.
View this post on Instagram
Dagdag pa niya, “Para siyang mga docu-docu show na parang tatlong babae ‘yung (nagpa-audition) sila ng host. ‘Tapos, hindi ako nakuha, obviously.”
Ipinalabas ang ” 3R” sa sister station ng GMA noon, ang QTV na GTV na ngayon. Ang mga nakapasang host sa nasabing lifestyle show ay sina Reema Chanco, Bettina Carlos at Bianca King.
Pagbabahagi pa ni Bianca, ang ikalawang pagtapak niya sa GMA Network ay noong 2024 kung saan in-interview niya ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo para sa Metro Manila Film Fest 2024 entry nito na “Green Bones”.
Ang ikatlong beses naman ng pagbisita niya sa GMA ay ang paglalaro nila ng iba pang host ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab” sa Family Feud na mapapanood na bukas, Biyernes.
At ang ikaapat nga ay ang guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda.”
Naibahagi rin ni Bianca na after daw ng naganap na grand mediacon para sa “PBB Celebrity Collab Edition” ay inimbitahan niya ang lahat ng hosts na magtungo sa Bahay ni Kuya.
“Nag-pizza lang kami, uminom, nagkuwentuhan, chikahan, para makapag-bonding din si Gabbi at si Mavy du’n sa aming creative team, du’n sa mga staff. Masaya, masaya,” ang masayang kuwento ni Bianca.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.