True ba, Kylie Padilla nakikipag-usap na raw sa mga abogado, sino kaya ang idedemanda? Bandera

True ba, Kylie Padilla nakikipag-usap na raw sa mga abogado, sino kaya ang idedemanda?

Reggee Bonoan |December 04,2022
share this

True ba, Kylie Padilla nakikipag-usap na raw sa mga abogado, sino kaya ang idedemanda?

Reggee Bonoan - December 04, 2022 - 09:20 PM
True ba, Kylie Padilla nakikipag-usap na raw sa mga abogado, sino kaya ang idedemanda?

Aljur Abrenica, AJ Raval at Kylie Padilla

“I WANT to talk to my lawyers,” ang sabi umano ni Kylie Padilla sa kanyang kaibigan base sa talakayan sa “Showbiz Now Na” vlog nina Nanay Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika na kaka-upload lang kaninang hapon.

“Meron yatang pinagsabihang kaibigan si Kylie Padilla na, ‘I want to talk to my lawyers,'” sabi ni Nay Cristy.

Anong dahilan kaya ni Kylie para i-meet ang mga abogado niya? Para kaya ito sa annulment case nila ng asawang si Aljur Abrenica o sa balitang nanganak na umano si AJ Raval at ang aktor ang ama?

“Yun siguro ang ikinatatakot ni AJ at ni Aljur kaya wala silang komento sa isyu ng panganganak?” tanong ni ‘Nay Cristy.

Say naman ni Romel, “I’m sure tinatago nila nang bonggang-bongga para hindi sila makasuhan?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by k y l i e 🧿 (@kylienicolepadilla)


“Kasi hindi pa naman talaga annulled ang kasal ni Aljur Abrenica at ni Kylie Padilla. E, kung ‘I’m looking for lawyers’ para saan ‘yun?  Baka rin naman sa annulment? Pero siyempre pag guilty ka iisipin mo, ‘naku idedemanda kami?’” saad ni Nanay Cristy.

Hirit ni Romel, “Parang late na yata para sa annulment kasi may baby na tapos saka pa lang magpapa-annul?”

Sagot ni ‘Nay Cristy, “Kung si Kylie ang tatanungin namin baka naman sa annulment ‘yun kaya lang si AJ at si Aljur, iniisip nila, ‘ay she’s looking for lawyers to sue us (sabay tingin sa kamera).”

“So, bumati na lang ng paganu’n (payuko si AJ), ‘Merry Christmas,’” saad naman ni Romel.

Pagkatapos kasing ibalita ni Ogie Diaz sa vlog nila nina Mama Loi kasama si Tita Jegs isang linggo na ang nakararaan ay nagpo-post na si AJ ng mga larawan niya katabi ang Christmas tree sa bahay nila nang payuko na kita ang malulusog niyang dibdib.

Bukod dito ay may mga post din ang manager ni AJ na si Jojo Veloso na kasama si Boss Vic del Rosario para sa upcoming projects sa parating na 2023. Sa nasabing larawan ay slim ang sexy star.

Sa isang litrato ni AJ kung saan siya nakayuko ay may nakapansin daw na basa ang dibdib ng sexy star, “Kaso napatakan ‘yata ng tubig, ay ‘AJ nagla-lactate ka?’ Sagana raw sa milk of human kindness. Ha-hahaha!” natawang sabi ni ‘Nay Cristy na ikinatawa rin nina Romel at Wendell.

Sa kabilang banda ay muling ipinagdiinan ni Romel na halos lahat ay naghihintay ng kumpirmasyon nina AJ at Aljur.

“Wala siyang (AJ) sinasabing anuman. Wala siyang komento kung nanganak ba siya o hindi.  Wala siyang komento kung nagdalang-tao ba siya o ano, wala talaga,” diin ni ‘Nay Cristy.

Paniwala naman ni Romel, “Kasi ‘Nay ang dalaga kapag natsitsismis na nanganak, lalabas ka kaagad, ‘ay hindi!”

Sabi naman ni Nanay Cristy, ipagtatanggol ng aktres ang sarili para patunayang hindi totoo ang balitang nanganak siya.

“Pero kapag ang dalaga na nanganak, wa talk!?” diin ni Romel Chika.

Nananatiling tahimik si AJ kahit viral na ang balitang nanganak siya, “Bakit hindi ka lumabas kung hindi ka talaga…ano ba naman ‘yung, ‘hindi po totoong ako’y nanganak.  Maglabas po sila ng resibo na totoong nagluwal ako ng sanggol,'” sambit ni Nanay Cristy.

“Saka magagalit talaga siya roon kasi bakit pinagbibintangan n’yo ako?” opinyon naman ni Wendell.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni AJ o ng sinuman sa kanyang pamilya at talent management hinggil sa kinasasangkutan niyang issue.

AJ Raval hinamon ng mga ‘Marites’ na maglabas pa ng ebidensya para patunayang hindi siya nabuntis at nanganak

Heart nagpaka-fan girl sa isang kandidato; Kapamilya shows humahataw sa Africa, Myanmar

Pokwang nagpakita ng suporta sa bet na senador; Sharon nagpasalamat sa mga tumututok sa ‘Ang Probinsyano’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending