Pokwang nagpakita ng suporta sa bet na senador; Sharon nagpasalamat sa mga tumututok sa ‘Ang Probinsyano’
KUNG dati ay hindi gaanong vocal ang mga celebrities kung sino ang sinusuportahan nilang mga kandidato ay kakaiba ngayong 2022 elections dahil talagang sinasabi na at may pagkakaisa sila lalo na ‘yung tinatawag na “Kakampink”.
Itiniweet ng komedyanang si Pokwang na suportado niya ang senatorial aspirant na si human rights lawyer Chel Diokno.
Tweet nito, “Dios mio panginoong mahabagin!! mag @ChelDiokno nalang ako!! kaloka sabi nga ni Gary V, dina natuto.”
Nagulat naman si Diokno at sinagot niya si Pokie ng, “Naku po, chel ka lang @pokwang27, Maraming maraming salamat sa suporta.”
Dios mio panginoong mahabagin!! mag @ChelDiokno nalang ako!! kaloka sabi nga ni Gary V, dina natuto…. 🤣😁
— marietta subong (@pokwang27) February 22, 2022
Sinabi naman ni Pokwang kay Atty. Chel na isa siyang tagahanga nito, na sinagot naman ng human rights lawyer ng “I’m also a big fan of yours! My son Pepe speaks so highly of you!”
“Waaaahhh I love him napakabuting tao. Maganda pagpapalaki nyo sa kanya @PepeDiokno,” sagot ng komedyana.
Ang tarush ni Atty. Chel dahil bukod kay Pokwang ay suportado na rin siya nina Vice Ganda at Heart Evangelista.
Samantala, isusulong ni Diokno ang paglalagay ng libreng tulong legal sa mga baryo, gaya ng Free Legal Helpdesk na kanyang nilagay sa kanyang Facebook page, upang mabigyan ng agarang tulong legal ang mga ordinaryong mamamayan kapag nanalo siya bilang senador.
Palalakasin din nito ang barangay justice system ng bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kapabilidad ng Lupong Tagapamayapa sa pagtugon sa mga isyung legal.
* * *
Abut-abot ang pasalamat ni Sharon Cuneta sa mga nakatutok sa aksyon seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil nilalampasan nito ang sariling record gabi-gabi dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nanonood sa iba’t ibang platforms ng Kapamilya network, isama pa ang A2Z at TV5.
Sa umeereng episode ng FPJAP simula pa noong nakaraang linggo ay kay Sharon bilang si Aurora nakatuon ang kuwento dahil siya ang hadlang sa plano ng tiyuhin niyang si Roi Vinzon bilang si Eduardo na kapatid ng amang si Don Ignacio played by Tommy Abuel.
Gusto ni Eduardo na makuha ang kayamanan ng kapatid niyang si Don Ignacio bagay na hindi mangyayari habang buhay si Aurora kaya kailangan mawala sa landas niya ang pamangkin kaya pinakidnap niya ito sa mga tauhan niya at palabasing kunwaring hinahanap para makakuha ng malaking halaga.
Walang kamalay-malay si Don Ignacio na si Eduardo ang nasa likod ng pagdukot kay Aurora dahil ipinapalabas ni Eduardo na si Lito (Richard Gutierrez), ang mortal na kaaway nito ang mastermind.
Hindi pa roon nagtatapos ang problema ni Don Ignacio dahil pinaghahandaan na rin ni Mara (Julia Montes) ang pagpatay sa kanya. Malakas ang loob ni Mara na magtatagumpay na siya dahil nasa panig na nila sina Cardo (Coco Martin) at ang Task Force Agila.
Dahil sa kanilang pagsasanib-pwersa, desidido na rin si Cardo na ituloy ang kanilang misyon sa pagdakip kay presidente Oscar (Rowell Santiago) at mapasibak sa puwesto ang mga mapang-abusong opisyales ng gobyerno.
Matatakasan kaya ni Aurora si Eduardo? Paano magtatagumpay sina Cardo at Mara sa kanilang misyon?
Huwag palampasin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Mapapanood din sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV ang “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Related Chika:
Heart nagpaka-fan girl sa isang kandidato; Kapamilya shows humahataw sa Africa, Myanmar
Diego Loyzaga mukhang naka-move on na: I feel like a new me
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.