Heart nagpaka-fan girl sa isang kandidato; Kapamilya shows humahataw sa Africa, Myanmar | Bandera

Heart nagpaka-fan girl sa isang kandidato; Kapamilya shows humahataw sa Africa, Myanmar

Reggee Bonoan - February 13, 2022 - 06:21 PM

Julia Montes, Erich Gonzales at Heart Evangelista

NAGKAKILALA na sina Heart Evangelista at ang senatorial candidate at human rights lawyer na si Chel Diokno sa Sorsogon kung saan gobernador ang asawa ng aktres na si Chiz Escudero.

Ipinost kaagad ni Heart sa kanyang Twitter account ang larawan nila ni Atty. Diokno sa ginanap na campaign sortie sa nasabing bayan.

Ang caption ni Heart sa kanyang post, “I’m kilig. Fan mode. @ChelDiokno good luck po.”

Sa madaling salita ay tagahanga talaga ni Atty. Diokno si Heart at alam na this, nakuha na ng human rights lawyer ang boto ng aktres.

Sumagot naman si Diokno sa tweet ni Heart, ni-repost niya ang larawan nilang dalawa.

“Ako po talaga yung totoong nag fanboy. It was so nice meet you, @heart021485! Advance happy birthday!” mensahe ng abogado.

Bukas na ang 37th birthday ni Heart at excited na rin ang mga tagasuporta ng Kapuso actress kung ano ang magiging kaganapan sa kaarawan niya at kung makakasama ba niya ang asawang si Chiz sa kanyang selebrasyon.

Samantala, hindi lang pala si Heart ang hinahangaan ni Atty. Diokno, kundi maging ang mga kilalang showbiz personalities tulad nina Cherry Pie Picache, Bituin Escalante, Nikki Valdez, Agot Isidro, The Company at Rivermaya.

View this post on Instagram

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


* * *

Patuloy na umaarangkada ang mga teleserye ng ABS-CBN sa iba’t ibang dako ng mundo ngayong 2022. Kabilang na rito ang “Bagong Umaga” at “Asintado” sa Africa at “La Vida Lena” at “Huwag Kang Mangamba” sa Myanmar.

Tulad ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Sandugo,” “La Luna Sangre,” at iba pa, palabas din sa StarTimes channel ang “Bagong Umaga,” na kilala rin bilang “New Beginnings” sa 41 na bansa sa Africa, kabilang ang Kenya, Ghana, at Madagascar.

Pinagbidahan nina Heaven Peralejo, Tony Labrusca, Barbie Imperial, Michelle Vito, Yves Flores, at Kiko Estrada, sinasalamin ng programa ang mga hamon ng anim na indibidwal sa kanilang buhay pag-ibig at pamilya.

Palabas din sa Africa ang action-drama series na “Asintado” nina Julia Montes, Shaina Magdayao, Aljur Abrenica, at Paulo Avelino, na sinubaybayan ang kwento ng magkaibang buhay ng nawalay na magkapatid na sina Juliana (Julia) at Samantha (Shaina).

Matapos pag-usapan at kumalap ng mataas na ratings ang programa sa ART channel ng La Réunion, pinalabas din ito sa Ivory Coast sa RTI 2 channel.

Ipalalabas naman ang primetime teleserye na “La Vida Lena,” na may pamagat na “Maya Galeisar,” sa Fortune TV ng Myanmar na ipinalabas kasabay ng huling linggo nito sa Pilipinas.

Pinangungunahan nina Erich Gonzales, JC de Vera, Kit Thompson, Carlo Aquino, Sofia Andres, Agot Isidro, Janice de Belen, at Raymond Bagatsing, tinunghayan gabi-gabi ng madla ang paghihiganti ni Magda/Lena (Erich) sa mga Narciso matapos sirain ang kanyang pamilya nang dahil sa negosyong sabon.

Samantala, katatapos lang sa Fortune TV ng teleseryeng “Huwag Kang Mangamba” o kilala sa Myanmar bilang “Sann Kyae Thaww Kan Kyamar.” Pinagbidahan ng Gold Squad nina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri, at Seth Fedelin, tampok sa programa ang kanilang misyon na buhayin muli ang pananampalataya sa Diyos ng mga taga-Hermoso.

Maliban sa Africa at Asya, kilala rin sa iba pang dako ng mundo ang mga programa ng ABS-CBN, tulad ng 2015 version ng “Pangako Sa’Yo” sa Ecuador, Peru, at Dominican Republic, Turkish adaptation ng teleseryeng “Hanggang Saan,” at marami pang iba.

https://bandera.inquirer.net/284466/pokwang-awang-awa-kay-miss-myanmar-bukas-ang-aking-tahanan-para-sa-iyo
https://bandera.inquirer.net/300602/derek-ellen-tuloy-ang-honeymoon-sa-africa-kasama-si-elias

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/304359/pagdalaw-at-pagtulong-daw-ni-bongbong-marcos-kay-kris-aquino-fake-news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending