AJ Raval hinamon ng mga 'Marites' na maglabas pa ng ebidensya para patunayang hindi siya nabuntis at nanganak | Bandera

AJ Raval hinamon ng mga ‘Marites’ na maglabas pa ng ebidensya para patunayang hindi siya nabuntis at nanganak

Reggee Bonoan |November 29,2022
facebook
share this

AJ Raval hinamon ng mga ‘Marites’ na maglabas pa ng ebidensya para patunayang hindi siya nabuntis at nanganak

Reggee Bonoan - November 29, 2022 - 11:46 AM

AJ Raval hinamon ng mga 'Marites' na maglabas pa ng sapat na ebidensya para patunayang hindi siya nabuntis at nanganak

AJ Raval

PAGKATAPOS ibalita ni Ogie Diaz sa YouTube channel nila ni Mama Loi kasama si Tita Jegs na nanganak na si AJ Raval nitong madaling araw ng Nobyembre 19 ay nag-post kaagad ang Vivamax artist ng larawan niyang flat ang tummy kasama ang dalawang inupahan para maglinis ng kanyang bahay.

Sa video post ni AJ sa kanyang Instagram account ay napiktyuran siya habang nililinis ang salas, mga sofa, banyo at iba pang parte ng bahay.

Ang caption ni AJ, “Taking care of yourself means taking care of your environment.”

Sinadyang i-post ito ni AJ para siguro pabulaanan ang ibinailita ni Ogie na nanganak na siya dahil nga walang pagbabago sa katawan niya.

Pero hinahamon si AJ ng mga Marites kung ano ang ipapakita niyang pruweba para maniwala ang mga ito na hindi nga siya nanganak.

Tanong ni Gwenndolyn Joy Fernandez Baquiran, “Ang tanong kailan ung kuha ung pic nya na yan.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Mula kay @sirtotoge20, “Haha kung totoong nagbuntis siya ang galing niyang magtago. Kahit old pics di halata eh, tapos may movie pa siya na malamang shinoot lang around Oct Nov.”

Say ni @nianedimabuyo, “Panay deny parang Paolo Contis lng as a friend tapos ngayun best friend na sila ni Yen hahaha kaso yun sa u kasal Pa kay Kylie.”

Pagtatanggol naman ni @xdiana_salenga, “May post sa fb nanganak kana daw hahaha. Ang sexy sexy mong yan tapos sasabihin nanganak?”

Tila kinumpirma naman ni @iamprettysaga2406, “Tama yan pra pagdting ni baby malinis ang bahay.”

Naniniwala naman si @maeeeloveu, “Yes halatang nanganak sya congrats.”

Duda ni @2k_glenda, “Nu’ng buntis pa hndi nagpopost,after manganak nagpost na.”

Hati ang mga nabasa naming komento ng followers ni AJ na ang iba ay naniniwala at ang iba ay hindi.

Bukas ang BANDERA sa panig ni AJ o ng kanyang kampo.

AJ Raval nanganak na raw sa isang ospital sa Pasig, nagtakip pa ng mukha para hindi makilala?

Angeline Quinto nanganak na sa kanyang panganay: ‘Hello, Baby Sylvio!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bea Alonzo ‘na-bad trip’ kay Iya Villania: Nanganak ka ba talaga?! Kakainit ng ulo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending