Angeline Quinto nanganak na sa kanyang panganay: 'Hello, Baby Sylvio!' | Bandera

Angeline Quinto nanganak na sa kanyang panganay: ‘Hello, Baby Sylvio!’

Ervin Santiago |April 28,2022
facebook
share this

Angeline Quinto nanganak na sa kanyang panganay: ‘Hello, Baby Sylvio!’

Ervin Santiago - April 28, 2022 - 10:44 AM

Angeline Quinto

NANGANAK na sa kanyang panganay ang Kapamilya actress-singer na si Angeline Quinto kagabi, April 27.

Eksaktong 10:22 p.m. nang isilang ng biriterang singer ang una niyang anak na pinangalanan nila ng kanyang boyfriend na Baby Sylvio.

Masayang ibinahagi ni Angeline sa madlang pipol ang good news sa pamamagitan kanyang Instagram Story kung saan makikita ang isang orasan na matatagpuan sa loob ng isang ospital kung saan siya nanganak.

Ang caption dito ni Angeline ay, “10:22 p.m., 27 April 2022…HELLO, BABY SYLVIO!”

Bago ito, nag-post din ang Kapamilya singer sa IG ng kanyang litrato bago siya mag-labor na labas ang kanyang maumbok na tiyan at may caption na, “Ready to pop!”

Sa comment section, nag-comment ang kanyang mga supporters and celebrity friends na ipagdarasal ang kanyang safe delivery, kabilang na riyan sina Angel Locsin, Dimples Romana, Melai Cantiveros, KZ Tandingan, Vina Morales, Jona, Bugoy Drilon, Jason Dy at Amy Perez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


Matatandaang kinumpirma ni Angeline na siya’y nagdadalang-tao sa panayam sa kanya ni Boy Abunda last December, 2021. Ngunit tumanggi siyang pangalanan kung sino ang tatay ng bata.

“Excited na excited ako. Ngayon lang ako naging excited nang ganito sa buhay ko. Siyempre hindi naman mawawala sa mga iniiisip ko kung paano bang maging nanay.

“Parang hindi na ako mahihirapan kasi ang daming mga nanay na malapit sa akin, at unang-una, napalaki naman ako nang maayos ng Mama Bob (yumaong nanay ni Angeline).

“Ako, I’m sure, magiging mabuting nanay din ako sa anak ko. Iyon ‘yung habang buhay kong babaunin, e, lahat ng mga naiwan sa akin ng Mama Bob. Hindi na ‘yung materyal na bagay. Ang akin, ‘yung mababaon ko talaga hanggang pagtanda ko, ‘yung mga natutunan ko kay Mama,” aniya pa sa nasabing panayam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angeline maligaya na sa piling ng non-showbiz BF, inaming ‘nag-try’ sila ni Erik: Pero sabi ko wag na nating pilitin

Angeline Quinto kumpirmadong five months preggy sa non-showbiz dyowa

Angeline Quinto nasasaktan sa tuwing bina-bash ang partner: Hindi n’yo naman alam ang pinagdaanan namin

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending