Vivamax sex siren Angela Morena tuloy ang laban para sa women empowerment, paghuhubad sa 'Ahasss' ng Vivamax may katuturan | Bandera

Vivamax sex siren Angela Morena tuloy ang laban para sa women empowerment, paghuhubad sa ‘Ahasss’ ng Vivamax may katuturan

Ervin Santiago |October 15,2023
facebook
share this

Vivamax sex siren Angela Morena tuloy ang laban para sa women empowerment, paghuhubad sa ‘Ahasss’ ng Vivamax may katuturan

Ervin Santiago - October 15, 2023 - 07:33 AM

Vivamax sex siren Angela Morena tuloy ang laban para sa women empowerment, paghuhubad sa 'Ahasss' ng Vivamax may katuturan

Angela Morena

IN FAIRNESS, parang may sariling film festival ang sexy star na si Angela Morena sa Vivamax dahil sunud-sunod ang mga pelikula niya sa nasabing streaming app ng Viva Entertainment.

Pagkatapos ipalabas ang kanyang sex-action-drama na “Woman On Top”, ay meron na naman siyang bagong pelikula, ang sex-suspense-drama na “Ahasss” directed by Ato Bautista.

Dito, gumaganap si Angela bilang trophy wife ng isang retired American (Ian Curtis) na maghihiganti sa ending sa tulong ng mga lalaking nakapaligid sa kanya.

“I like the movie kasi at first, hindi mo alam kung sino ang ahas that the title is referring to. By the end, though, you’d realize all the characters are ahas.

“Ang ganda nung arc ng character ko kasi from being an obedient wife throughout the film, she turns into an assertive woman who realizes she has to love herself more than any other man in her life,” pahayag ni Angela sa presscon ng “Ahasss.”

Napanood na namin ang pelikula at masasabi naming isa ito sa mga pelikulang maipagmamalaki ni Direk Ato na siya ring nasa likod ng “Palitan”, “Pagkagising sa Kamulatan”, “Hindi Natatapos ang Gabi” at “Blackout” ni Robin Padilla.

Bukod sa paghuhubad at paggawa ng sex scenes, masasabi naming hasang-hasa na rin si Angela sa pagdadrama dahil nabigyan muli niya ng hustisya ang ginampanan niyang karakter sa pelikula.

Isa sa ipinaglalaban sa “Ahasss” ay ang women empowerment kung saan talagang lumaban ang karakter ni Angela sa mga kalalakihang nakapaligid sa kanya.

Baka Bet Mo: Dating sexy actress na si Angela Perez pumanaw na sa edad 55; mensahe ng naulilang anak: ‘Nanginginig ako sa kakaiyak…I love you so much Ma’

Naku, bukod sa mga sex scenes sa pelikula, magugulat din kayo sa ending nito na siyang biggest twist sa kuwento.

Iikot ang istorya sa isang binata na mahuhulog at maaakit sa ganda ng isang babae na tutulungan niyang makalaya mula sa pagmamalupit ng asawa nito.

Si Jake (Gold Aceron) ay nagtatrabaho bilang all-around errand boy sa isang beach house sa liblib na lugar. Nagtatrabaho siya para kay Mr. Sam Stonehill (Ian Curtis, American actor), retiradong American Military na nakapangasawa ng mas bata at magandang Pilipina na si Adelyne (Angela Morena).

Kahit na may pagkakataong mabait, nagiging abusado at sadista si Mr. Stonehill kay Adelyne tuwing nakakainom.

Tinatawag niya ang asawa kapag may inuman kasama ng mga tauhan at kaibigan tulad ni Agusto (Jao Mapa), isang pulis na nagtratrabaho rin bilang bodyguard at security ni Mr. Stonehill.

Pilit na pinapasayaw at pinapakita ang ganda ng katawan ni Adelyne, at kapag hindi siya sumunod ay aabusuhin at mamaltratuhin siya ni Mr. Stonehill.

Isang gabi na naulit ang ganitong insidente ay nilapitan ni Jake si Adelyne para tulungan at alagaan. Dito magsisimulang magkalapit ang dalawa at magkaroon ng mga patago at mapusok na pagkikita.

Baka Bet Mo: Vivamax sexy stars Angela Morena, Denise Esteban umaming nakapanood na ng porn; parehong palaban sa hubaran

Sa pagpapatuloy ng sikretong relasyon nina Jake at Adelyne, unti-unti silang mahuhulog sa isa’t isa, pero ipapaalala ni Adelyne kay Jake na hindi sila pwedeng magmahalan nang tuluyan hanggang buhay si Mr. Stonehill.

Pagpaplanuhan nina Adelyne at Jake na patayin si Mr. Stonehill, pero sa paggawa nila nito, hindi nila maiisip kung gaano kalaki, katibay, at kalakas na pader si Mr. Stonehill para na lang basta patumbahin. Magtagumpay kaya sina Adelyne at Jake?

O, sila ang hindi makatakas nang buhay mula kay Mr. Stonehill? Tama ba na nagtiwala si Jake kay Adelyne at sa mga pangako nila sa isa’t isa, o nililinlang lamang siya nito?

Ito rin ang comeback ng “The Other Wife” star na si Janelle Tee sa Vivamax. Gagampanan niya ang isang mahalagang role na maaaring makabuti o makasira sa pagmamahalan nina Jake at Adelyne.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Handa ka na bang magpatuklaw sa “Ahasss” na streaming exclusively sa Vivamax ngayong October 13, 2023.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending