Vivamax Bombshell Angela Morena naka-graduate na sa college; nanay hindi kayang panoorin ang sex films nilang magkakapatid | Bandera

Vivamax Bombshell Angela Morena naka-graduate na sa college; nanay hindi kayang panoorin ang sex films nilang magkakapatid

Ervin Santiago |September 28,2023
facebook
share this

Vivamax Bombshell Angela Morena naka-graduate na sa college; nanay hindi kayang panoorin ang sex films nilang magkakapatid

Ervin Santiago - September 28, 2023 - 07:44 AM

Vivamax Bombshell Angela Morena naka-graduate na sa college; nanay hindi kayang panoorin ang sex films nilang magkakapatid

Angela Morena, Jiad Arroyo at ang iba pang cast ng ‘Woman On Top’

AYAW na palang manood ng nanay ng Vivamax Bombshell na si Angela Morena ng mga ginagawa niyang sexy movie pati na ng dalawa pa niyang kapatid na sina Stephanie at Micaela Raz.

Nakachikahan namin si Angela sa special screening at mediacon ng latest Vivamax Original Movie niyang “BJJ: Woman on Top” nitong nagdaang Martes, September 26, kasama sina Yuki Sakamoto, Jiad Arroyo, Alexa Ocampo, Jela Cuenca at Keanna Reeves.

Masaya niyang ibinalita na nakatapos na siya ng college at naka-graduate na sa kursong business administration major in marketing sa St. Nicholas College sa Pampanga.

“Talagang pinagsikapan ko pong makatapos ng college to serve as a role model for my four younger sisters.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angela (@angelamorena_)


“Stephanie and Micaela (na bahagi rin ng Viva Artists Agency) are now also in college. Yung two younger sisters namin, aged 18 and 14, are in high school,” sey ni Angela.

Sa tanong kung magso-showbiz din ba ang dalawa pa niyang kapatid, “Bahala po sila. Pero sabi namin, if ever, sa wholesome na lang sila, kami na lamang naunang tatlo ang sa sexy movies.”

Kasunod nito, nabanggit ng dalaga na mula raw nang mapanood ng nanay niya ang pelikulang ginawa ng sister niyang si Micaela at ayaw na nitong panoorin ang mga sumunod nilang mga Vivamax films.

“Hindi po. She watched one, ‘yung ‘Bata Pa si Sabel’ starring Micaela. Umiyak siya. After that, ayaw na niyang manood,” sey ni Angela.

Baka Bet Mo: Vivamax sexy stars Angela Morena, Denise Esteban umaming nakapanood na ng porn; parehong palaban sa hubaran

Paano naman ang kanyang tatay? “Hiwalay po sila ng mom ko. I was 13 when they separated. But we’re in touch. He now lives in Bacolod and we communicate by video call.”

Sa “Woman on Top”, gumaganap siya bilang ju-jietsu player at talaga raw siya ang gumawa sa kanyang mga fight scenes, “Bale three days po akong nag-training, diretsong BJJ lang.

“Then on the actual shoot, may coaches pa kami on the set to teach us how to do our fight scenes convincingly. Mahirap po siya, andami kong pasa after each fight scene,” chika pa ni Angela.

Sa kuwento ng bagong sexy-drama ng Vivamax, ipi-flex ni Angela  ang kanyang lakas at ipakikita na kaya niyang higitan ang tibay ng mga lalaki.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angela (@angelamorena_)


Ang Brazilian Jiu Jitsu, or BJJ ay isang self-defense martial art at combat sport. Ang sport na ito ay tuturuan kang ma-control at ibagsak ang kalaban.

Sa pamamagitan ng ilang technique, ang goal sa sport na ito ay makapwesto ka sa isang dominant position kung saan mapipilitan na sumuko at sumurender ang kalaban.

Si Elise (Angela) ay damsel in distress na kailangang matutunang ipagtanggol ang sarili matapos masangkot sa isang kahihiyan at malaking eskandalo na lalong palalakihin ni Marco (Jiad Arroyo) na dati niyang manliligaw at ng kaklase niya na girlfriend rin ni Marco na si Riza (Alexa Ocampo).

Makikilala niya si Ace (Yuki Sakamoto) na ipapakilala sa kanya ang martial art at combat sport na Brazilian Jiu Jitsu (BJJ). Mag-eenroll din si Elise sa isang BJJ class para mas mahasa ang kanyang galing.

Sasali rin Marco sa klaseng ito para bantayan si Elise at subukan din na muling suyuin ang dalaga. Malalaman ni Riza ang tungkol dito at magagalit at maghihiganti ito kay Elise.

Pero si Elise naman ay unti-unti nang nahuhulog kay Ace at patuloy rin ang private BJJ lessons nilang dalawa. Hindi na rin sila makakapigil sa pagiging mapusok at bibigay sa tawag ng laman.

Dito mapapagtanto ni Elise na ang mga technique na tinuturo sa BJJ ay pwede rin niyang magamit sa kama. Empowered ang pakiramdam ni Elise tuwing ginagawa niya ito, lalo na kapag pinapaibabawan niya si Ace.

Pero kahit na ganito ay malabo pa rin tunay na label nilang dalawa dahil nangungulila pa rin si Ace sa pagkamatay ng dati niyang fiancé.

Anong kahihinatnan ng relasyon nina Elise at Ace? Bakit nga ba sinusuyo muli ni Marco si Elise? At kung muling saktan si Elise ng mga lalaking ito at ng ibang tao, mapapagtanggol na kaya niya ang sarili niya?

Ang pelikulang ito ay mula kay Linnet Zurbano na naging director din ng Vivamax Original Movie na “AFAM”, na nagsimula ma-stream noong May.

Manatili kaya si Elise na nasa taas? Panoorin ang “BJJ: Woman on Top” streaming exclusively sa Vivamax ngayong September 29.

Dating sexy actress na si Angela Perez pumanaw na sa edad 55; mensahe ng naulilang anak: ‘Nanginginig ako sa kakaiyak…I love you so much Ma’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angela Morena kinagat sa labi si Sean de Guzman: Nag-cut na si Direk sa halikan pero ayaw pa niyang tumigil…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending