Angela Morena kinagat sa labi si Sean de Guzman: Nag-cut na si Direk sa halikan pero ayaw pa niyang tumigil... | Bandera

Angela Morena kinagat sa labi si Sean de Guzman: Nag-cut na si Direk sa halikan pero ayaw pa niyang tumigil…

Ervin Santiago |May 08,2022
facebook
share this

Angela Morena kinagat sa labi si Sean de Guzman: Nag-cut na si Direk sa halikan pero ayaw pa niyang tumigil…

Ervin Santiago - May 08, 2022 - 06:44 AM

Angela Morena at Sean de Guzman

ISA si Angela Morena sa tatlong magkakapatid na sabay-sabay pumasok sa showbiz at game na game sumabak sa hubaran at pakikipagchurvahan sa mga pelikula ng Vivamax.

Ang dalawa pa niyang mga sisteraka na sina Stephanie at Micaela Raz ay may kanya-kanya na ring career ngayon bilang mga bagong bombshells ng Viva Films na sunud-sunod ang paggawa ng iba’t ibang klase ng sexy movies.

Pero sa kanilang tatlo, si Angela ang pinaka-busy ngayon dahil sunud-sunod nga ang mga pelikulang ipinagkakatiwala sa kanya ng mga bossing ng Viva Entertainment, ang latest nga ay ang “High On Sex.”

Sa nakaraang virtual mediacon ng nasabing pelikula natanong si Angela kung bakit Morena at hindi Raz ang ginamit niyang apelyido sa kanyang screen name.

“Eh, kasi ginagamit na nila so iniba ko naman, for a change,” she says. “I chose to use the family name of our aunt, Lara Morena (dati ring sexy star), who’s also our manager at siyang nagpakilala sa amin sa Vivamax,” sagot ng dalaga.

Matatandaang nagmarka si Angela Morena sa pelikulangv“X-Deal 2” kung saan nakipag-threesome siya kina Josef Elizalde at Rob Guinto at sa Vivamax original series na “Iskandalo” kung saan nakipag-sex scene naman siya kay Sean de Guzman.

At very soon ay mapapanood uli siya sa sexy series na “High on Sex” kasama ang dating Hashtag member na si Wilbert Ross. Kaya ang sumunod na tanong sa kanya ay kung ano ang reaksyon niya sa mga nagsasabi na “puro sex at hubaran” lang ang napapanood sa Vivamax.

“Sa mga humuhusga sa palabas namin, na puro hubaran lang, sana panoorin nyo muna ang movie or show bago kayo manghusga.

“Like itong ‘Iskandalo’ na 10-part series, maganda ang story nito at hindi puro hubaran lang. It’s about the dangers of allowing yourself na makunan ng sex video, na kapag na-upload sa internet at naging viral, tiyak na sisirain ang reputasyon mo,” depensa ng sexy star.

Wala rin siyang nakikitang problema sa mga babaeng pumapayag na magbuyangyang ng buong katawan habang kinukunan ang pagse-sex ng kanilang partner.

“Nasa sa tao naman yan, e. Kung may consent ng bawat isa at pareho kayong wild and adventuruous sa lovemaking n’yo, e ‘di sige, go.

“But then, be ready sa whatever consequences na puedeng mangyari. Baka manakaw ang cellphone nyo o mag-break kayo at i-leak ng partner mo. In any case, dapat ingatan ang cellphone nila kasi kapag nawala at napunta sa iba, tiyak na iskandalo ‘yan,” diin niya.

Tungkol naman sa pagtawag sa mga sexy stars ng Vivamax bilang mga pantasya ng bayan, “I enjoy being called pantasya ng bayan. I think it’s a compliment. For me, being sexy is being able to embrace your own self, the way you look, talk and even think.

“Kasi for anyone to be sexy, dapat confident siya sa sarili niya, so accept yourself, whatever you are. But also try to improve because learning is a never ending process. I’m very thankful to all the people I get to work with kasi they help me become a better person,” aniya pa.

Dagdag pa ni Angela, “In every role I do, I always take it seriously. Itinuturing kong challenge at pinag-aaralan kong mabuti to show that I can be a versatile actress. As of now, the roles I get are usually malayo sa totoong personality ko. Kasi hindi naman ako temptress sa totoong buhay. Very conservative nga ako.”

Samantala, naikuwento rin ni Angela ang ilan sa mga hinding-hindi niya makakalimutang karanasan sa paggawa ng sexy scenes.

“Sa ‘X-Deal 2’, I was doing a love scene with Rob Guinto by the beach, girl to girl, scissors ang position ng legs namin, ungol kami ang ungol, tapos bigla kaming natawa sa ginagawa namin kaya pina-cut ni direk ang eksena.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa ‘Iskandalo’ naman, I was having a kissing scene with Sean de Guzman. E, nag-cut na si direk, pero ayaw niya pa ring tumigil, humahalik pa rin siya. So kinagat ko ang labi niya, tapos nagsumbong siya, sabi niya, ‘direk, kinagat niya ang labi ko, o,'” natatawang chika pa ni Angela Morena.

Rob Guinto, Angela Morena, Josef Elizalde nadala nga ba sa kanilang love scenes?

Vivamax sexy star na si Rob Guinto enjoy na enjoy makipag-love scene sa kapwa babae: Ang saya, as in!

Beking direktor nakaiskor sa 2 young actor kapalit ng bagong project

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending