Albie hands-on daddy, nagpapalit ng diapers ni Baby Andrew

Albie hands-on daddy, nagpapalit ng diapers ni Baby Andrew

Ervin Santiago - August 28, 2024 - 09:14 AM

Albie hands-on daddy, nagpapalit ng diapers ni Baby Andrew

Albie Casiño, Baby Roman Andrew, Michelina, JD Aguas at Angela Morena

KITANG-KITA sa mukha at pagsasalita ni Albie Casiño ang labis na kaligayahan habang nagkukuwento tungkol sa kanyang anak na si Baby Roman Andrew.

Nakachikahan ng BANDERA ang aktor kahapon, August 27, sa presscon ng bago niyang pelikula under Vivamax, ang “Butas” kung saan kasama niya ang mga palabang sexy stars na sina Angela Morena at Angelica Hart.

Kinumusta namin si Albie at ang kanyang pagiging first-time daddy sa mag-iisang buwan na niyang panganay na si Baby Andrew.

Baka Bet Mo: Jaclyn Jose binanatan si Albie; may pakiusap kay Direk Lauren Dyogi

“Thankfully naman ‘yung project ko, na-lock in kami so kapag nasa work ako, hindi na ako nagigising in the middle of the night to change diapers,” simulang pagkukuwento ni Albie na abot-tenga ang pagkakangiti.

“Pero siyempre nami-miss ko siya, Facetime kami kapag nasa work so naiisip ko siya, so when I’m home super hands on,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michelina🧿 (@realmichelina)


Ibang klase raw ang kaligayahang nararamdaman niya sa tuwing makikita at makakasama ang anak nila ng kanyang non-showbiz partner na si Michelina.

Sundot na tanong namin sa kanya, kung ano ang mga bonding moments nila ng kanyang anak kapag magkasama sila at wala siyang trabaho.

“Wala baby pa siya e, so hawak ko lang siya. Pero he’s developing a personality nakikilala na niya kung sino kami and these kind of stuff, kapag pumupunta ang mom ko, alam niya na nandoon na ‘yung lola niya.

“You can see e, kasi nu’ng start na nandoon siya sa States, tinititigan ko lang siya e, kung natutulog titingnan mo kung humihinga (nagmuwestra na hinahawakan ang dibdib ng baby).

“Minsan kapag pagod na pagod ka, ‘please matulog ka na’, tapos kapag nakatulog na ‘yes pwede na ako mag-gym!’

“Tapos kapag nasa gym mode naman na ako every now and then sinisilip ko kung gumalaw tapos balik-gym ka ulit nakakatuwa!” excited pang pagbabahagi ni Daddy Albie.

Baka Bet Mo: Jaclyn, Andi kinuyog ng netizens: Sinira n’yo career ni Albie pero never kayong nag-sorry

Inamin din ng celebrity dad na nakaramdam din siya ng takot nang malamang magiging tatay na siya pero ngayon tatay na siya, feeling niya ay mas naging masipag at responsable siya.

“At first takot, ‘di ba? Naging excited rin, it just turn na ito na, ito na ‘yung kailangan kong gawin this is my life now, pero ‘it’s the best feelings,” ani Albie sa aming panayam.

Samantala, sa pagtatapos ng Ghost Month at sa pagsisimula ng “Ber Months” may mga exciting at nakakaintrigang bagong panonoorin sa Vivamax.

Kung pagsasamahin ang apat na mapupusok na kabataan sa iisang bubong, asahan na ang mga maiinit na eksena.

Sina Angela Morena, Angelica Hart, Albie Casiño at JD Aguas ay magsasama-sama sa “Butas”, isang sexy-drama-thriller mula sa direksyon ni Dado Lumibao. Ipalalabas ito sa Vivamax simula August 30.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Magkasintahan sina Keila (Angelica Hart) at Noel (Albie Casiño), pero gusto ni Keila na manatiling sikreto ito. Para sa kanya, kasalanan din ang makisiping kay Noel pero hindi niya ito maiwasan.

Dahil nabibitin si Noel kay Keila, madali siyang natukso ni Mayette (Angela Morena), ang bago nilang kasama sa boarding house.

Samantala, gumawa ng butas ang roommate ni Noel na si Benjie (JD Aguas) sa sahig ng kanilang kwarto sa second floor para makapamboso sa mga babae na naliligo sa banyo sa ibaba.

Hindi bumibigay si Benjie sa pang-aakit ni Mayette pero sa pamboboso niya dinadaan ang pagnanasa niya rito.

Laking gulat niya nang makitang pumasok si Keila sa banyo habang naliligo si Mayette, sabay pasok din naman ni Noel sa kwarto at nahuli siya sa aktong pamboboso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Panoorin kung ano ang kahihinatnan ng eksenang ito sa “Butas” mula sa Vivamax.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending