Jaclyn Jose binanatan si Albie; may pakiusap kay Direk Lauren Dyogi Bandera

Jaclyn Jose binanatan si Albie; may pakiusap kay Direk Lauren Dyogi

Reggee Bonoan |October 30,2021
share this

Jaclyn Jose binanatan si Albie; may pakiusap kay Direk Lauren Dyogi

Reggee Bonoan October 30, 2021 - 05:39 PM

Jaclyn Jose binanatan si Albie; may pakiusap kay Direk Lauren Dyogi

HINDI nagustuhan ni Jaclyn Jose ang mga tirada ng aktor na si Albie Casino laban sa kanyang anak na si Andi Eigenmann.

Halos isang dekada na ang nakaraan nu’ng huling engkuwentro nina Albie Casino at Andi Eigenmann nang mag-abot sila sa isang bar sa Makati City noong 2012 at hindi na ulit nagkita.

Pero hindi pa rin nakalilimot si Albie sa mga nangyari sa kanila noon ng dating karelasyon lalo’t siya ang itinurong ama ng panganay na anak ng aktres na it turned out na hindi pala. Wala raw siyang natanggap na apology mula sa aktres.

Ito ang sagot ni Albie sa netizen na nagtanong thru Kumu livestream bago siya pumasok sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” bilang isa sa celebrity housemate.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Albie Casiño (@thestallion09)

Kung ia-analisa ang mga pahayag ni Albie ay talagang tinilad-tilad niya ang dating karelasyon na tahimik ng namumuhay ngayon kasama ang fiance at mga anak sa isang isla.

Sinilip naman namin ang social media ni Andi kung may reaksyon siya sa mga pahayag ng dating nobyo pero wala at tanging si Jaclyn lamang ang nag-react sa muling nabubuhay na isyu.

Agad itong nag-post para ipagtanggol ang anak sa kanyang Instagram account na binura rin niya pero na-screenshot naman kaagad ito ng netizens.

Si Direk Laurenti Dyogi na hepe ng TV Production ng ABS-CBN ang pinatutungkulan ng post na ito ni Jaclyn.

“I so adore you ‘wag mo sirain ang pangalan mo jan sa mamang (Albie) ‘yan… I don’t want to put this into media but I am running out of time…since you put it on media I have to protect, la kami outlet so sorry if I bring it to media…but?!’ saad ni Jaclyn.

“There is no way? You want to be quiet? You know me better than that! ‘Yung member (housemate) nio? ‘Yung Albie Casino? He has to keep his mouth shut? Don’t use my daughter in your circus…d niya alam ang pinagsasabi nia. YOU want the truth?” dagdag pa ng beteranang aktres.

Pagkalipas ng isang oras ay muling nag-post si Jaclyn, “Gusto mo sabihin ko in public pano mo bugbugin anak ko? Kahit buntis? Try moko.”

May post din si Jaclyn sa Facebook account niya pero tinanggal din niya.

“Pls nakikiusap ako wag nio galawin apo ko…1 decada Lauren, pls stop this wala pupuntahan to kaibigan kita for so long…Wenn pa kapatid na kita, wag mo hayaan mag materialized ang pbb ng Albie lang…sasagutin ko sia… maari rating pero magkapatid tayo… nakikiusap ako nanahimik na si Andi… pero may sagot ako over board din I just want to keep quiet… as a friend ko na sinasabi pigilan mo ‘yang batang ignorante…kaysa magsalita ako…Lauren you can stop him or go on (rating) sige mapapahiya kayo kasi lalahatin ko na.”

Bukas ang BANDERA sa panig nina Albie at Direk Laurenti sa mga pahayag ni Jaclyn Jose.

Related chika:
Albie walang magandang sasabihin kay Andi: I’m tired of covering up for her
Netizens binalikan ang dating mga isyu nina Albie at Andi

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending