Netizens binalikan ang dating mga isyu nina Albie at Andi | Bandera

Netizens binalikan ang dating mga isyu nina Albie at Andi

Therese Arceo |October 30,2021
facebook
share this

Netizens binalikan ang dating mga isyu nina Albie at Andi

Therese Arceo - October 30, 2021 - 12:56 PM

Netizens binalikan ang isyu nina Albie at Andi: Albie deserves better

MATAPOS mag-trending ni Albie Casiño dahil sa naging komento nito sa dating ka-relasyon na si Andi Eigenmann, marami sa mga netizens ang napa-throwback sa naging kontrobersiyang kinasangkutan ng dalawa.

Bago kasi tuluyang pumasok si Albie bilang celebrity housemate sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10”, nagkaroon ito ng livestream sa Kumu kung saan siya tinanong tungkol kay Andi.

Dito nga sinabi ng aktor na pagod na siyang pagtakpan si Andi at hindi rin raw ito humingi ng tawad sa kanya matapos siyang ituro bilang ama ng dinadala noon ni Andi na talagang naka-apekto sa kanyang career.

“I’m kind of tired of covering up for her, bro, you know what I mean? I’m not gonna hold my tongue so you can look good anymore,” saad ni Albie patungkol kay Andi.

Kaya naman samu’t saring throwback articles ang muling naglipana sa social media at isa na nga rito ang insidente ng pambubugbog kay Albie.

Nangyari ang pambubugbog kay Albie sa parking lot sa labas ng isang bar sa Makati. Ito ay naganap matapos magkaroon ng komprontasyon sina Andi at Albie sa loob ng bar.

Ayon sa ilang netizens, walang wala raw ang ginawang fat shaming ni Albie sa idinulot na trauma, humiliation, at mental torture na idinulot ni Andi sa kanya.

“Albie deserves better,” ito ang caption ng isang Twitter page kasama ng litrato ni Albie na bugbog sarado pati na rin ang screenshot ng isang article na nabanggit ang pangalan ni Andi.

Niretweet naman ito ng usa pang netizen na may username na @pepperendgame.

“Fat-shaming AndiEigenmann is NOTHING compared to this. She can motivate herself to lose weight but nothing can take back the trauma and humiliation Albie Casiño went through.

“Kaya mga woke dyan sa body shaming, paka woke naman din kayo sa mental health and trauma,” saad ng netizen.

Kapansin-pansin naman ang pagrereply ng tatlong crying emoji ng ina ng aktor na si Anna Kathrina Casiño.

Matatandaang Mayo 2012 noong nangyari ang insidente ay mismong ina nito ang umiiyak na humarap sa media para isalaysay ang nangyari sa anak na binugbog raw ng mga kaibigan ni Andi matapos ang kanilang komprontasyon sa loob ng bar kung saan sinabuyan ni Andi ng alak si Albie at sinampal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ay nananatiling tahimik si Andi hinggil sa isyu na ito. Samantala, hindi naman makakapagbigay ng komento si Albie dahil kasalukuyan itong nasa PBB house.

Bukas naman ang BANDERA para sa kampo nina Andi sakaling naisin nilang ipaliwanag ang kanilang sarili hinggil sa isyu.

Related Chika:
Albie walang magandang sasabihin kay Andi: I’m tired of covering up for her
Andi gusto pa ring bumalik sa showbiz, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending