Andi gusto pa ring bumalik sa showbiz, pero... Bandera

Andi gusto pa ring bumalik sa showbiz, pero…

Ervin Santiago |May 11,2021
share this

Andi gusto pa ring bumalik sa showbiz, pero…

Ervin Santiago - May 11, 2021 - 09:07 AM

LOVE pa rin ng aktres na si Andi Eigenmann ang showbiz kaya hindi naman daw niya ito kayang talikuran nang bonggang-bongga.

Bukas ang kanyang isip at puso sa posibleng pagbabalik sa larangan ng aktingan dahil naniniwala siya na malaki rin ang tinatanaw niyang utang na loob sa kinalakihan niyang mundo.

Aniya, kahit enjoy na enjoy siya ngayon sa kanyang island life kasama ang fiancé surfer na si Philmar Alipayo at ang kanilang mga anak, minsan ay naiisip din niya ang naging buhay niya sa harap ng mga camera.

At kung magkakaroon nga raw uli ng pagkakataon, willing naman daw siyang bumalik at umarte muli lalo na kung napakaganda ng materyal.

“I loved every single moment I ever had in front of the cameras. So if there’s an opportunity, right script, whatnot, why not?” ani Andi sa panayam ng GMA.

Ngunit agad niyang nilinaw na hindi pa ito mangyayari in the near future, “Because that would mean leaving my kids and can’t do that.”

Dito, inamin nga niya na may mga pagkakataon na sumasagi rin sa isip niya kung ano kaya ang nangyari kung ipinagpatuloy niya ang pag-aartista.

Inalala pa niya yung araw na ginanap ang Cannes Film Festival 2016 kung saan nanalo ang kanyang inang si Jaclyn Jose ng Best Actress para sa pelikulang “Ma’ Rosa” na naging inspirasyon niya noon sa kanyang career.

Nabanggit ni Andi na pangarap din niya noon ang mag-join sa Berlinale para mas mahasa pa ang kanyang talento pero mas nanaig daw ang kanyang pagiging ina sa anak nila ni Jake Ejercito na si Ellie.

“I knew that I could do it but I was just like, ‘How will I do this? How will this be possible when I have a child who I’ve been struggling to spend time with?’

“Ellie is growing up and time is ticking. I want to be able to spend more time with her. And in order for me to do that, I have to take time off showbiz,” lahad pa ng celebrity mom.

Wala naman daw pinagsisihan ang aktres sa naging desisyon niya noon, “Even if I look back and think what if I pushed through with it, I’m sure it would’ve been awesome, but I don’t regret anything.

“I don’t feel bad. Not at all. Because I’m so happy to have this life now no matter how simple it may be,” paliwanag ni Andi.

Naikuwento rin niya ang kanyang plano na magtayo ng sariling restaurant at magkaroon ng clothing line for kids, “But I’m taking it easy. I’m not rushing myself into any of those.”

Sa ngayon, maligayang-maligaya si Andi sa kanyang buhay sa Siargao kasama si Philmar at ang dalawa nilang anak na sina Lilo at Koa.

Very soon naman ay babalik na doon ang panganay na si Ellie matapos makasama si Jake at ang pamilya nito dito sa Manila. Mismong si Jake pa ang sumundo sa kanyang anak sa Siargao ilang linggo na ang nakararaan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending