Albie walang magandang sasabihin kay Andi: I'm tired of covering up for her Bandera

Albie walang magandang sasabihin kay Andi: I’m tired of covering up for her

Therese Arceo |October 29,2021
share this

Albie walang magandang sasabihin kay Andi: I’m tired of covering up for her

Therese Arceo - October 29, 2021 - 03:35 PM

Albie walang magandang sasabihin kay Andi: I'm tired of covering up for her

BAGO pumasok bilang celebrity housemate si Albie Casiño sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” ay nabanggit nito ang ex-dyowang si Andi Eigenmann.

Ito ay matapos usisain ng mga netizens ang kontrobersyal na nakaraan nila ni Andi sa kanyang Kumu livestream noong October 26.

Aniya, hindi raw totoong nag-sorry sa kanya ang dating karelasyon matapos ang ginawa nito sa kanya.

“I don’t care, dude. I think it’s been long enough. It’s okay for me to talk about it. I guess she moved on.

“So right, I can finally talk about it now. I don’t mind and I guess I’ll be no holds barred if they asked.

“I’m kind of tired of covering up for her, bro, you know what I mean? I’m not gonna hold my tongue so you can look good anymore,” dire-diretsong saad ni Albie.

Aniya, binigyan pa raw niya ng chance ang dating dyowa na mag-apologize sa kanya ngunit hindi nito ginawa.

“I remember I read a post about that on IG. My best friend in the States, she sent me like a Twitter post of someone.

“I don’t know how Twitter works but I guess someone was replying to Andi ng, ‘Pero nag-sorry ka na ba kay Albie?’ So I guess when you reply, you can see the original tweet. So I only posted the reply and then I put some laughing, crying emojis and then I said, ‘Hindi pa. Lol.’,” kuwento ni Albie.

Matapos raw nito ay nag-message ng pagkahaba-haba si Andi sa kanya.

“And then, dude, she sent me this long ass non-apology. For people who’ve been in toxic relationships you know what I mean. The non-apologies. They seem like they’re saying sorry but they’re not. She never apologized in the text,” pagpapatuloy niya.

Nakuwento rin niya na nakita ng kanyang mga kaibigan si Andi sa Siargao at nabanggit nito sa kanya ang tungkol sa body figure ng dating karelasyon.

“They said she’s super fat so that makes me super happy. I don’t know if that’s bad of me but it brings me great joy to know she gained weight now,” sey pa ni Albie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


Mukhang malalim pa rin ang pinaghuhugutan ni Albie sa dating karelasyon.

Matatandaang taong 2010 nang magdalang tao si Andi sa panganay nitong anak at si Albie nga ang itinurong ama.

Agad namang humingi ng DNA test ang pamilya ni Albie bago akuin ang bata na gumawa ng malaking kontrobersya.

Dahil dito ay natanggal si Albie sa pelikulang “Way Back Home” pati na rin sa weekly youth-oriented series na “Growing Up” na siyang follow-up projects sa tambalan nila ni Kathryn Bernardo matapos ang “Mara Clara”.

Related Chika:
Albie Casino: Hindi talaga ako galit sa gobyerno, bad trip lang ako sa…
Albie sa ECQ season 2: Congrats to everyone who voted nu’ng 2016, sana natutuwa kayo ngayon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending