Albie Casino: Hindi talaga ako galit sa gobyerno, bad trip lang ako sa... | Bandera

Albie Casino: Hindi talaga ako galit sa gobyerno, bad trip lang ako sa…

Ervin Santiago - April 22, 2021 - 10:20 AM

BUMILIB ang hunk actor na si Albie Casino sa ipinatutupad na health protocols ng ABS-CBN sa lock-in taping ng pino-produce nilang mga teleserye.

Kasama si Albie ngayon sa bagong Kapamilya serye na “Init Sa Magdamag” na pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Yam Concepcion ay JM de Guzman.

Nag-share ng kanyang experience ang binata sa kanilang lock-in taping sa nakaraang virtual mediacon ng serye. Aniya, talagang napakaistrikto ng production sa safety protocols sa kanilang location.

“Nakailang project na ako ngayong quarantine eh, so itong ‘Init Sa Magdamag,’ ito yung pinakamalaking production na nagawa ko because the others were films so mas maliit yung production and mas maliit yung cast.

“Natuwa ako kasi I don’t think we had a single positive case sa COVID and we were doing lock in for a six-month period.

“Three weeks at a time nag-la-lock in kami so kita mo talaga yung effort na linalagay nila sa safety hindi lang sa artista pero sa bawat tao sa set. Ang dami namin du’n and walang nagka-COVID and you can really tell with how they’re doing the procedures, eh,” masayang kuwento ni Albie.

Aniya pa, “Talagang kakatok yung nurse sa room mo pag wala kang taping or sa off day, they do the protocols, they check the temperature and they make you sign the papers and all of that.”

At dahil literal na araw-araw silang magkasama sa taping, “Sobrang naka-build ako ng friendships du’n, as in to the point na neighbor ko na si JM. Itong condo ko condo niya dati.

“Sabi ko sa kanya lumipat siya du’n sa taas para ako na lang dito. Now he’s my neighbor literally. I go to his house everyday. Du’n ako nagbubuhat,” chika pa ng binata.

Patuloy pa niyang kuwento, “Sa totoo lang mahirap yung lock in taping talaga pero it was a fun experience. Recently lang, mag-isa ako dito sa condo iniisip ko nakaka-miss din pala siya eh.

“Kasi siyempre habang nandu’n ka mahirap kasi walang signal kung saan kami nagte-taping tapos ikaw lang nandun, wala ka talagang magawa eh. Gusto mo talaga umuwi pero siyempre ngayon na nandito na ako nami-miss ko na siya,” lahad pa ng Kapamilya hunk.

Samantala, natanong din si Albie tungkol sa matapang na paglalabas niya ng saloobin tungkol sa mga nangyayari ngayon sa bansa, kabilang na ang aniya’y pagkukulang ng pamahalaan sa pagkontrol sa COVID.

“I pay taxes. Kapag dumarating yung tseke ko nakikita ko yung mga kaltas. So I feel like I have a right to voice my opinion.

“Yun lang. Because that’s where my taxes go. Nakikita ko how much taxes ko tapos nakikita ko yung response sa COVID so sinong hindi magagalit di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And I’m not really mad at the government. I’m just mad at how they’re handling things,” diin pa ni Albie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending