Jaclyn, Andi kinuyog ng netizens: Sinira n’yo career ni Albie pero never kayong nag-sorry Bandera

Jaclyn, Andi kinuyog ng netizens: Sinira n’yo career ni Albie pero never kayong nag-sorry

Reggee Bonoan |October 31,2021
share this

Jaclyn, Andi kinuyog ng netizens: Sinira n’yo career ni Albie pero never kayong nag-sorry

Reggee Bonoan - October 31, 2021 - 10:27 AM

Albie Casino, Andi Eigenmann at Jaclyn Jose

HINDI nakuha ng aktres na si Jaclyn Jose ang simpatiya ng netizens nang pagbantaan niya si Albie Casino, ang dating karelasyon ng anak niyang si Andi Eigenmann.

Ani Jaclyn, kapag hindi raw tumigil ang binata sa kadadada tungkol kay Andi ay marami pa siyang ibubulgar laban dito.

Maging ang hepe ng TV production ng ABS-CBN na si Direk Laurenti Dyogi ay pinakiusapan ng premyadong aktres na huwag nang iere ang mga pinagsasabi ni Albie tungkol kay Andi nang sagutin nito ang tanong ng netizen.

Base sa nasulat namin dito sa BANDERA kahapon ang tungkol sa mga post ni Jaclyn sa kanyang social media account na tinanggal na rin niya pero na-screen grab na ng netizens at ilang showbiz online site.

Mukhang hindi na kailangan ni Albie na ipagtanggol ang sarili sa mga banta ni Jaclyn dahil netizens na ang nagtatanggol sa kanya. Narito ang mga nabasa naming komento sa social media.

Mula kay @Marielle Ethel Arcala, “Sinira n’yo ang pagkatao ni Albie, and yet you never apologized to him. Your daughter slept around and couldn’t even identify the real father of her child, and it’s still the innocent guy’s fault? You’re talking about ratings, and yet you’re making up your own story at the expense of the very person you ostracized in public for something he didn’t do. A simple apology would’ve let bygones be bygones. But no, kayo pa rin ang pa-victim.”

Sang-ayon din sa ginawa ni Albie si @Sittie Hidaya, “Sana kayo rin mangyari sa mga anak n’yong lalaki, tapos sabihin n’yo past is past. Kung ako ‘yung guy I’ll do the same, to clear my name in public, alangan forever kung kimkimin ang saloobin ko, kung ako ‘yung victim. Si Andi matanda na s’ya if she wants to give her kids a good mental health, growing up she needs to explain it early to them, para ma understood nila paglaki nila, kaysa pag malaki na sila, mas masisira lang memories nila sa pagkabata.”

Say ni @Socorro Federico, “Ganda na sana career ni Albie but nasira dahil Andi’s irresponsibility na ituro s’yang ama ng anak . Andi owes an apology what she had done to Albie.”

Pero ayon kay @Eunice Rentuza Medina, “Hindi naman natin masisisi na maglabas ng sama ng loob si Albie lalo’t hindi man lang nag-sorry sa kanya ang kabilang kampo sa kabila ng ginawa sa career nya.

“Nga lang Sana sa maayos na paraan at pananalita nya pinahayag ang damdamin at hinanakit nya. Sana din s’ya masyadong nadala ng emosyon at galit. At may point naman si Jaclyn na malaki na ang bata mababasa at makikita sa internet ‘yung pahayag ni Albie.”

“Pero ma’am ‘wag naman sana pong lumalabas na kesyo malaki kayong tao sa industriya ehh kaya nyo nang madehado palagi ‘yung isa. Opo nanay kayo at lola sana ituwid muna pag kakamali ng anak n’yo at turuan humingi ng sorry anak n’yo. 

“Eto naman si Andie isang malaking pag kakamali na nga ‘yung nanyare pero di man Lang humingi ng paumanhin sa naagrabyado nya.”

Albie walang magandang sasabihin kay Andi: I’m tired of covering up for her


“Alam naman din n’ya kasi na may magtatakip at magtatanggol sa kanya. Sa lahat. Sana matuto tayung humingi ng patawad at magpatawad sa mga nakagagawa sa atin ng masama. At matuto tayu mula sa mga aral ng pangyayare. #justsaying.”

Kinatigan naman ni @Homer Amantilla si Andi, “Ang ganda at ang bait kaya ng anak ni Andi, true gem! ang malas nalang if ikaw naging daddy, toxic cguru. I mean bro, forgive bro, don’t pasikat, lalo mu ‘yan sila siraan mas lalo sila inaangat ni Lord, pansin mo yon? That was the old Andi eh, dapat with grace & kindness parin dapat ang words mo no matter how she wronged you.”

Paniniwala ni @Bebs Dava dapat ay naging senstibo ng PBB dahil may mga batang sangkot. Hindi po tama ‘yong pag usapan ang ganong mga pangyayari kasi may batang involved at sana ‘yong programa maging sensitive din para sa protection ng bata hindi mganda lalo na lumalaki na ang bata hindi niyo alam kong anong pwding epekto ‘yon sa kanya.”

Payo naman ni @Liza Mhay Lanawan kay Albie, “Just move on tahimik at masaya na family ni Andie at Philmar. Albie move on, ang sinabi ng ina talagang ganyan dahil anak natin dapat protektahan dahil nakaraan na iyon dapat huwag buksan pa pareho silang biktima dahil mga bata pa sila, so, Mr. Albie life must go on lalaki ka kaya walang nawala sayo. Ms Andi now is so happy with her kiddos and to her Fiancée so huwag naman ninyong guluhin.”

Jaclyn Jose binanatan si Albie; may pakiusap kay Direk Lauren Dyogi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending