Rape scene ni Vivamax bombshell Micaella Raz sa 'Bata Pa Si Sabel' nakakaloka; Angela Morena todo suporta kay sisteraka | Bandera

Rape scene ni Vivamax bombshell Micaella Raz sa ‘Bata Pa Si Sabel’ nakakaloka; Angela Morena todo suporta kay sisteraka

Ervin Santiago |November 27,2022
facebook
share this

Rape scene ni Vivamax bombshell Micaella Raz sa ‘Bata Pa Si Sabel’ nakakaloka; Angela Morena todo suporta kay sisteraka

Ervin Santiago - November 27, 2022 - 09:49 AM

Rape scene ni Vivamax bombshell Micaella Raz sa 'Bata Pa Si Sabel' nakakaloka; Angela Morena todo suporta kay sisteraka

Ang cast members ng ‘Bata Pa Si Sabel’

NAGSAMA-SAMA sa isang pelikula ang tatlong magkakapatid na palabang Vivamax bombshells na sina Angela Morena, Stefanie Raz at Micaella Raz.

Pare-parehong game sa paghuhubad at paggawa ng sex scenes sa Vivamax ang “Tres Marias” na mga pamangkin ng dati ring sexy star na si Lara Morena.

Si Angela ang pinakamatanda sa magkakapatid na ginamit ang apelyido ni Lara habang mas ginusto nina Stefanie at Micaella na gamitin ang tunay nilang family name.

Mapapanood nga ang magkakapatid sa latest Vivamax Original na “Bata Pa Si Sabel” na launching movie ni Micaella. In fairness, all out ang ibinigay na suporta sa kanya rito ng dalawa niyang sisteraka.

Sa kuwento ng “Bata Pa Si Sabel”, gaganap si Micaella bilang isang young bride na gagahasain ng adik na anak ng mayor kasama ang dalawang katropa nito sa mismong honeymoon nila ng kanyang groom.

Pinatay din ng mga suspek ang kanyang asawa kaya naman isinusumpa niyang ipaghihiganti ang karumal-dumal na nangyari sa kanila.

Napanood na namin ang “Bata Pa Si Sabel” sa naganap na private screening nito last Friday at in fairness, nagustuhan namin ang pelikula na idinirek ni Reynold Giba at nilikha ng award-winning filmmaker na si Brillante Mendoza.

Magagaling ang lahat ng mga artistang kasama sa movie lalo na si Micaella na mararamdaman mong ginawa talaga ang lahat para mapaganda ang kanyang launching film, lalo na ang kanyang nakakalokang rape scene at ang ginawa niyang paghihiganti.

Sabi ni Micaella, “I really appreciate the efforts of my sister to help me. Lalo na ang ate kong si Angela, kasi nagbibida na siya but she just plays a supporting role here just to help me.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Micaella Raz (@micaellaraz)


“We shot the movie on location in Mindoro and we really had fun being together kasi the place where we stayed was near the beach, so para lang kaming nagbabakasyon,” aniya pa.

Ilang beses nang nagbida si Angela sa mga pelikula ng Vivamax pero pumayag siyang mag-support sa  “Bata Pa si Sabel”, “Actually, mas naunang i-shoot itong ‘Bata Pa si Sabel’ pero mas una lang naipalabas ang ‘Tubero.’

“But I don’t really mind switching from lead to supporting roles. In ‘Alapaap’, I also play a supporting role as a native girl in Mindoro who lead actor Josef Elizalde hires to be part of the documentary they’re filming there. Okay lang naman,” aniya pa.

Sa tanong naman kay Angela kung hindi ba siya napapagod at nagsasawa sa paghuhubad at pakikipag-love scene, “It is, pero kahit pagod ako, I’m happy and grateful dahil tuluy-tuloy lang ang trabaho ko.

“So you just have to take good care of yourself and make sure you also get some rest para hindi ka magkakasakit sa sunod-sunod na trabaho,” aniya.

Wala rin siyang keber na makipagchurvahan sa lalaki at kapwa babae sa mga ginagawa niyang pelikula, “Okay lang naman basta on a purely professional level, kay lalaki man o babae ang ka-love scene ko. I did girl-to-girl love scenes in ‘Kinsenas Katapusan’ and ‘X Deal 2’ and it’s just fine with me.”

Kung gagawa siya ng isa pang girl-to-girl love scene, “I’d like to try Angeli Khang. Everyone says magaling siyang umarte so I’d like to act with her kasi I’m sure macha-challenge ako to give my best when I’m doing a scene with her.”

At nang tanungin kung hindi ba nagagalit o nagseselos ang  boyfriend niya sa mga ginagawa niya sa pelikula, “Ay, wala po akong boyfriend. I’m just concentrating on my career and I’m taking online classes para makatapos ako ng pag-aaral.”

Mapapanood na ang “Bata Pa Si Sabel” sa Vivamax simula sa December 2. Kasama rin dito sina JC Tan, Rash Flores, Chad Solano,  Benz Sangalang, Gardo Versoza, Julio Diaz at Katya Santos.

Palabang sexy star na si Stephanie Raz puring-puri si Vince Rillon sa mga ginawa nilang sex scenes

Angela Morena kinagat sa labi si Sean de Guzman: Nag-cut na si Direk sa halikan pero ayaw pa niyang tumigil…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vivamax sexy stars Angela Morena, Denise Esteban umaming nakapanood na ng porn; parehong palaban sa hubaran

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending