Angela Morena game pa rin sa hubaran at churvahan

Vivamax bombshell Angela Morena game pa rin sa hubaran at churvahan

Ervin Santiago - February 18, 2024 - 08:08 AM

Vivamax bombshell Angela Morena game pa rin sa hubaran at churvahan

Onyl Torres, Dyessa Garcia, Lawrence Fajardo at Angel Morena

ABANGAN ang mga nakakaintrigang kwento ng dalawang bagong sexy-drama movies sa Vivamax ngayong love month – ang “Kabit” at “Salisihan”.

Isang pelikula mula kay Lawrence Fajardo, bibida sa “Kabit” sina Dyessa Garcia, Victor Relosa, Josef Elizalde at Angela Morena.

Kwento ito ng isang aspiring actress na nangangarap ng stardom pero sa pag-abot niya nito ay mawawalan ng hangganan kung ano pa ba ang trabaho sa pananamantala at tuluyan nitong sisirain ang kanilang dignidad, respeto sa sarili at reputasyon.

Si Angela ay gaganap bilang si Laura sa isang theatre play.

Si Laura ay isang aspiring actress at tinanggap niya ang role na ito sa play para magrebelde sa kanyang controlling na ina.

Baka Bet Mo: Dating sexy actress na si Angela Perez pumanaw na sa edad 55; mensahe ng naulilang anak: ‘Nanginginig ako sa kakaiyak…I love you so much Ma’

Pero sa kanilang pagkadismaya, flop agad ang play kahit sa initial preview pa lamang nito.

Walang ibang magagawa ang kumpanya at production team kundi ayusin ang materyal na mayroon sila para maisalba ang pinagtrabahuhan nila.

Dahil dito, magiging desperado ang lahat at ang direktor ng play ay uudyukan si Laura para mas lumabas ang kanilang kahinaan at mga galit, ang mga emosyon na dapat maipakita sa stage.

Panoorin kung paano baguhin ng isang tao ang kanyang moral at paniniwala para lamang sa kasikatan at para lamang sa ngalan ng “obra.” Abangan din ang mga sex scenes nina Angela, Josef, Victor at Dyessa sa “Kabit” dahil tumodo rin sila sa mga love scenes dito.

Streaming na ang “Kabit” exclusively sa Vivamax simula sa February 23.

Samantala, napatunayan naman ni Angela at ng iba pang cast members ng movie na napakahirap ng ginagawa ng mga theatre actors.

Kung tutuusin mas matindi ang hirap at sakripisyo ang nararanasan ng mga artista sa teatro dahil bukod sa live ang kanilang palabas at walang cut, madugo rin ang ginagawa nilang paghahanda.

Kaya ayon kay Angela, mas tumaas pa ang paghanga at respeto niya sa mga theater actors.

* * *

Minsan may darating para mas alugin pa ang gumuguhong relasyon.

Ang Vivamax original movie naman na “Salisihan” ay iikot sa kwento ng mag-asawang Dan at Anna (Chester at Zsara Laxamana).

May problema sa kanilang pagsasama pero sa halip na pag-usapan ito, dinadaan nila ang lahat sa sex.

Baka Bet Mo: James, Nadine muntik nang magkita, fans nag-react: Sana sila rin sa huli

Hindi makapaniwala sina Dan at Anna nang dumating ang isang dalagang nagpakilalang si Sophie (Amabella de Leon), girlfriend umano ng anak ni Dan at buntis pa ito.

Ayon sa dalaga, nabuntis ni Dan ang dati niyang girlfriend at si Gab (Ralph Christian Engle) ang naging bunga.

Napatotohanan nina Dan at Anna ang sinasabi ni Sophie matapos pagtagpi-tagpiin ang mga ebidensiya.

Kaya magdedesisyon ang mag-asawa na kupkupin muna si Sophie at tulungan siyang hanapin si Gab. Makakabuti din naman ito sa kanilang pagsasama dahil nagiging romantic silang muli.

May pagkakataon pang naaabutan ni Sophie ang kanilang pagtatalik.

Dahil na rin sa hormones dala ng pagbubuntis at sa pagkabalisa sa paghahanap kay Gab, hindi maiwasang magkagusto si Sophie kay Dan.

Si Sophie na kaya ang tuluyang makakasira kina Dan at Anna? Handa ba talaga sila kung biglang lumitaw si Gab?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Directed by Aiar Arondaing, ang “Salisihan” ay mapapanood sa Vivamax simula February 27.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending