Pops niligawan din ng mga politiko pero walang sinagot

Pops niligawan din ng mga politiko pero walang sinagot, ayaw maging ‘kabit’

Ervin Santiago |January 16,2024
facebook
share this

Pops niligawan din ng mga politiko pero walang sinagot, ayaw maging ‘kabit’

Ervin Santiago - January 16, 2024 - 07:24 AM

Pops niligawan din ng mga politiko pero walang sinagot, ayaw maging 'kabit'

Pops Fernandez

MAS type ng Original Concert Queen na si Pops Fernandez na magkaroon ng older na dyowa kesa mas bata sa kanya.

Na-experience na raw ni Pops noon ang magkaroon ng batang boyfriend at inamin niyang nakatikim siya ng matinding pamba-bash dahil dito.

Game na game na sinagot ng singer-actress at producer ang mga maiintriga at personal questions na ibinato sa kanya nang sumalang sa “Fast Talk With Boy Abunda” sa GMA 7.

Kabilang na riyan ang mga questions tungkol sa kanyang naging lovelife noon kabilang na nga riyan ang pagkakaroon ng boyfriend na mas younger sa kanya.

Baka Bet Mo: Bea sa reunion ng original Star Magic artists: ‘Hindi ko in-expect na malalasing ako, parang birthday party ko…ako ‘yung pinaka-nag-enjoy’

Natanong ni Tito Boy si Pops sa “Fast Talk” segment  kung willing ba siyang magkadyowa ng bagets. “Yes! Nagawa ko na yata ‘yon many times,” ang natawang sagot ni Pipay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pops Fernandez (@popsfernandezofficial)


Sa mga hindi pa nakakaalam, after ng paghihiwalay nina Pops at Martin, na-involve ang singer sa mga mas batang guy kabilang na riyan ang model-actor na si Brad Turvey.

Baka Bet Mo: Andrea, Seth may mensahe tungkol sa kamatayan: Wag natin siyang tingnan bilang ‘deadline’

“People don’t see it as an honest-to-goodness relationship. I went through a lot of that and I cried about those things,” ang naging pahayag ni Pops sa isang panayam.

Kaya naman ang hirit ni Pipay kay Tito Boy, “Iba naman. Yung may edad naman sana.”

Samantala, diretsahang inamin ni Pops na may mga politician din na  nanligaw sa kanya ngunit wala siyang sinagot sa mga ito dahil “single” ang gusto niya.

Meaning, puro may sabit na ang mga suitors niya at ayaw naman niyang maging kabit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa tanong kung ready na ba siyang pumasok sa isang seryosong relationship, agad-agad na “Yes!” ang kanyang sagot.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending