Andrea, Seth may mensahe tungkol sa kamatayan: Wag natin siyang tingnan bilang 'deadline' | Bandera

Andrea, Seth may mensahe tungkol sa kamatayan: Wag natin siyang tingnan bilang ‘deadline’

Ervin Santiago |December 07,2021
facebook
share this

Andrea, Seth may mensahe tungkol sa kamatayan: Wag natin siyang tingnan bilang ‘deadline’

Ervin Santiago - December 07, 2021 - 07:38 AM

Seth Fedelin at Andrea Brillantes

SA kabila ng pandemya at pagsasara ng ABS-CBN, maituturing pa rin ng tambalan nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes na “lucky” ang kanilang 2021.

Ngayong taon, tatlong sunud-sunod na major projects ang ginawa nila —  ang iWant original anthology na “Click, Like , Share,” ang primetime series na “Huwag Kang Mangamba” at ang original iQiyi pilot series na “Saying Goodbye.” 

At dahil dito, todo ang pasasalamat nina Seth at Andrea sa Kapamilya network at sa kanilang loyal fans na walang sawang sumusuporta sa kanila mula noon hanggang ngayon.

“Kasi lahat ng meron kami ngayon, kaming dalawa, yung meron na natatanggap namin sa itaas, siyempre lahat din yan ay sa tulong din nila.

“So lahat ng ginagawa namin ay para sa sarili namin at sa pamilya namin at sa lahat ng tumatangkilik, lahat ng humahanga sa amin at nagmamahal,” pahayag ni Seth.

Sa kuwento ng bagk ng bago nilang web series na “Saying Goodbye,” gagampanan ni Seth ang karakter ng isang binatang may heart condition na gagawin ang lahat para maging masaya sa mga huling araw ng buhay niya sa tulong ng kanyang bestfriend na si Elise (Andrea).

“Yung character ko rito, wala akong pakialam sa kamatayan. Kung ano ang kahahantungan, kung ano ang mangyayari bukas, wala siyang pakialam. 

“Basta kung ano yung nakikita niya ngayon, kung saan siya nakatayo, yun lang yun. Yun lang yung papakialaman niya. 

“Dito ang maituturo namin sa kanila at ang pakay namin na makita nila sa series na ito is huwag titingnan ang death bilang deadline kundi bilang motivation para gawin yung mga bagay na gusto natin magawa,” kuwento ng young actor.

“Sa role namin talagang mahirap. Pinakanahirapan ako du’n sa six pages na linya talaga. Du’n ako nahirapan sa sobrang daming linya. Kahit may challenges naman talagang kaya namin. 

View this post on Instagram

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin)


“Individually, kasi sa lahat ng project na napasukan ko nagtatanong ako pagkatapos sa mga senior na actors na nakasama ko kung ano ba yung mga mali ko? 

“Ano pa ba yung kulang sa akin na puwede ko pa dagdagan at pagtuunan ng pansin? So dito nagagamit ko siya. Kasi dati hirap talaga ako mag-memorize ng script. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero ayan nakaka-proud sa sarili ko na babasahin ko na yung buong script tapos pag alam ko na yung takbo ng kuwento, naaalala ko na yung lines. Proud ako sa sarili ko. At sa aming dalawa naman (ni Andrea), sobrang nag-mature kami,” sey pa ni Seth.
Napapanood na ang “Saying Goodbye” sa iQiyi. 

Seth Fedelin may promise sa madlang pipol; nagse-share na ng secrets kay Andrea

Napakain ko ang pamilya ko dahil sa social media!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending