Pops nahiyang mag-celebrate ng 40th anniversary sa showbiz: ‘Medyo nawalan po ako ng confidence kasi matagal na akong hindi nagko-concert’
NAWALAN ng confidence sa sarili ang original Concert Queen na si Pops Fernandez kaya hindi na siya masyadong sumasabak sa concert scene.
Iyan ang inamin ni Pops nang bigyan siya ng pa-surprise kahapon ng morning talk show na “Magandang Buhay” para sa kanyang 40th anniversary sa mundo ng showbiz.
Nag-share si Pops ng ilan sa mga hindi niya malilimutang karanasan bilang singer at aktres sa loob ng mahigit na apat na dekada sa entertainment industry.
Kuwento ng OPM icon, nag-start siya bilang recording artist sa edad na 13 o 14 sa OctoArts. Ang naging debut single niya ay ang awiting “Dito Nga.”
View this post on Instagram
“I think honestly ha, over 40 years na. Hindi ko po talaga matandaan kung anong year ba talaga ako nag-umpisa.
“But I guess it’s safe to say 40 years since I started the concert scene. Mas nauna kasi ako kay Martin eh, ng one year yata,” sabi pa ni Pops.
Baka Bet Mo: Cristine hindi in-expect na mananalong best actress sa 40th Oporto Int’l filmfest sa Portugal
Sa edad na 16, nabigyan naman siya ng chance na maging bahagi ng TV show na “Penthouse” na siyang naging daan para mas makilala pa siya sa music industry.
“Naging recording artist muna ako. Then I started guesting sa TV shows. Then nagkapelikula kami ni Rowell (Santiago) muna bago mag-‘Penthouse.’
“Tapos nu’n I guess it was destiny that I became part of ‘Penthouse,'” pagkukuwento pa ng actress-TV host.
View this post on Instagram
“Finally I found my place under the sun or in the business ever since I started ‘Penthouse.’
“It was really parang the mark of the beginning of my career even though I started a few years before that,” pahayag pa niya.
Samantala, napaluha naman si Pops nang mapanood ang video message ng ilan sa kanyang mga celebrity friends tulad nina Jaya, Kuh Ledesma at Joy Ortega. Siyempre, binati rin siya ng ex-husband niyang si Martin Nievera at anak na si Ram.
Sinorpresa rin siya sa studio ng kanyang kaibigan na si Erik Santos. Nag-start daw ang friendship nila nang madalas silang magkasama sa mga concert.
Samantala, looking forward din si Pops na maipagdiwang ang kanyang anniversary sa showbiz through a major comeback concert.
“Alam n’yo po nahiya kasi ako mag-celebrate. Medyo nawalan po ako ng confidence kasi medyo matagal na akong hindi nagko-concert.
“I am trying to gain my confidence back. But thank you sa inyong lahat po for the 40 years, actually for the 40 plus years. Sa lahat po ng mga sumusuporta pa rin sa akin,” pag-amin pa ng original Concert Queen.
Naibalita rin ni Pops na isa sa mga pinaplano niyang gawin bilang bahagi ng kanyang 40th anniversary ay ang pagba-vlogging.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.