Bea sa reunion ng original Star Magic artists: ‘Hindi ko in-expect na malalasing ako, parang birthday party ko…ako ‘yung pinaka-nag-enjoy’
MARAMING realizations ang Kapuso actress na si Bea Alonzo matapos ang reunion ng mga original Star Magic talents kasama ang kanilang tatay-tatayan na si Johnny Manahan.
Makalipas nga ang ilang taon, muling nagkasama-sama sina Bea, Piolo Pascual, Jericho Rosales, Heart Evangelista, John Lloyd Cruz, Maja Salvador at Diether Ocampo.
Sila ang halos magkaka-batch sa Star Magic na pinamumunuan noon ni Mr. M kaya naman talagang tuwang-tuwa sila nang finally ay matuloy na ang matagal na nilang pinaplano na reunion.
Sa bagong vlog ni Bea sa YouTube, nagkuwento ang dalaga tungkol dito. Aniya, pagpasok pa lang ng 2023 ay nag-uusap-usap na sila kung paano sila magkikita-kita uli after so many years.
View this post on Instagram
Una nila itong binalak noong January dahil birthday nga nina Piolo at Mr. M, “Since January, pinipilit na namin magtagpu-tagpo ‘yung schedule namin pero hindi nangyari until just recently.
“We are very happy that we were able to see each other,” chika pa ng girlfriend ni Dominic Roque.
“Nagpa-dinner sila Mr. M. First time namin nakita ‘yung apartment nila na bago. Sobrang saya!
Baka Bet Mo: Kundisyon ni Juday sa reunion project nila ni Piolo: Kung puchi-puchi lang parang unfair…
“Hindi ko ine-expect na malalasing ako. It turned out para kong birthday party kasi ako ‘yung pinakanag-enjoy,” sey pa ni Bea.
Kakaibang happiness daw ang na-feel ng award-winning actress nang muli niyang makita at makasama ang mga kaibigan at dating kasamahan sa ABS-CBN lalo na si Heart na kasama na niya ngayon sa GMA 7.
“Ngayon lagi na kaming magkasama,” sey pa ng aktres patungkol kay Heart.
View this post on Instagram
Dagdag pa niya, “I was really happy to see Piolo, Mr. M including sila John Lloyd, Maja, si Diether na sobrang tagal ko nang hindi nakikita.”
“Kapag kasama mo pala ‘yung mga taong lumaki ka, parang nabi-break down ‘yung walls mo, you tend to just enjoy and be yourself and not worry about what other people would say about you,” pahayag pa ni Bea.
Kamakailan, ibinandera ni Bea na after ng reunion nila ay nag-bonding uli sila ni Heart. Dahil dito, marami ang nagre-request sa GMA 7 na pagsamahin ang dalawang aktres sa isang project.
Andrea, Seth may mensahe tungkol sa kamatayan: Wag natin siyang tingnan bilang ‘deadline’
Sharon sinumbong si Maricel sa madlang pipol; game pa rin sa reunion movie nila ni Gabby
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.