Jericho Rosales mahigpit ang yakap kay Heart, nagkasamang muli sa reunion ng OG Start Magic babies | Bandera

Jericho Rosales mahigpit ang yakap kay Heart, nagkasamang muli sa reunion ng OG Start Magic babies

Reggee Bonoan |April 01,2023
facebook
share this

Jericho Rosales mahigpit ang yakap kay Heart, nagkasamang muli sa reunion ng OG Start Magic babies

Reggee Bonoan - April 01, 2023 - 07:25 PM

Jericho Rosales mahigpit ang yakap kay Heart, nagkasamang muli sa reunion ng OG Start Magic babies
MARAHIL sobrang na-miss ni Jericho Rosales ang company ng ex-girlfriend niyang si Heart Evangelista-Escudero kaya nang magkita sila sa reunion nilang mga original Star Magic artists kasama si Mr. M o Johnny Manahan ay mahigpit niya itong niyakap.

Nabasa namin ang komentong ito mula sa netizen na nagkomento sa isang larawang lumabas pero nawala na ngayon na nakita ulit ng aktor ang kanyang ‘greatest love.’

Kilala namin si Echo at ganu’n talaga siya yumakap at sa taong naging bahagi ng buhay niya at sa mga taong mahal niya kaya hindi namin bibigyan ng malisya ang pagyakap niya kay Heart na ngayon ay masaya na bilang Mrs. Chiz Escudero.

Kahit pa nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan noon sina Senator Chiz at Heart ang maganda ay nauwi rin sa pagkakaayos at ang mismong luxury influencer pa ang nagbalitang nagpapasalamat siya ng husto sa hubby niya dahil nauunawaan siya at suportado siya all the way.

Going back to Echo ay marami lang ang nagtataka kung bakit wala na siyang bagong post kasama ang asawang si Kim Jones. Tsinek namin ang Instagram account ng aktor at noong Agosto 5, 2022 pa ang huli nitong post na binati niya ang asawa sa kanyang kaarawan na noo’y nasa ibang bansa sila.

Tsinek din namin ang IG account ni Kim Jones na nasa ibang bansa na kahit wala ang aktor sa mga post niya ay alam naming magkasama dahil halos pareho ang mga lugar ng mga larawang pinost din ng aktor sa account niya.

Baka Bet Mo: Kalook-alike ni Jericho Rosales pinagkaguluhan habang namamasyal sa isang park sa Davao

Huling post ni Kim kasama ang hubby in a silhouette shot ay 2022 pa.

Ang nakakataka lang ay may video post ang asawa ni Echo ng BTS ng kilalang brand ng bag noong March 18.

Ang caption ni Kim,  “Itty bitty BTS on set with @lofficielph @louisvuitton.”

Komento ni Echo, “It’s out!!! On repeat 20Kx! Love it! Bravo! I can’t wait for everyone to see your film next, Kim! No pressure. Keep creating (and bending). And buying crew Pinoy chichirya.”

Pero hindi sinagot ito ni Mrs. Rosales samantalang ang ibang nag-comment ay sinasagot.

Mula kay @bernadette_bblanc, “Fire my WOMAN.”

Sagot ng asawa ni Echo, “@bernadette_bblanc LY!”

Sabi naman ni @spicca03, “i love you queen kimmy.”

Kiss emojis naman ang sagot ni Kim at gayun din sa iba pa.

Hmm, baka lang hindi showy si Kim ng feelings niya kay Echo?

Ang mahalaga ay magkasama sila hanggang ngayon.

Related Chika:
Heart Evangelista, Jericho Rosales muling nagkita, hirit ng fans: ‘Reunion project when?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jericho Rosales sumabak pa rin sa acting workshop sa New York kahit ‘best actor’ na sa Pinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending