Kalook-alike ni Jericho Rosales pinagkaguluhan habang namamasyal sa isang park sa Davao Bandera

Kalook-alike ni Jericho Rosales pinagkaguluhan habang namamasyal sa isang park sa Davao

Therese Arceo |August 04,2022
share this

Kalook-alike ni Jericho Rosales pinagkaguluhan habang namamasyal sa isang park sa Davao

Therese Arceo August 04, 2022 - 08:30 PM

Kalook-alike ni Jericho Rosales pinagkaguluhan habang namamasyal sa isang park sa Davao
HINDI inaasahan ng netizen na si Hyobz Perez na makikita niya ang aktor na si Jericho Rosales na naglilibot sa isang amusement park sa Davao de Oro.

Ngunit “it’s a prank” lamang pala ito at ka-look alike lang ng aktor ang namataan nilang naglalakad sa amusement park.

Agad naman nila itong pinuntahan at nilapitan para magpakuha ng picture dahil kamukhang-kamukha talaga ito ni Jericho Rosales.

Bagamat nagtagumpay silang makakuha ng litrato kasama ang ka-look alike ni Echo ay hindi naman nila nakuha ang pangalan nito.

Ang mga larawan ay ibinahagi ni Hyobz sa kanyang Facebook account.

“Sir Bhai with Kuys Echo ng Monkayo, Davao de Oro,” sey ni Hyobz sa kanyang caption.

Agad namang sumang-ayon ang mga netizens sa post ni Hyobz at talagang kamukhang-kamukha ni Jericho ang lalaki.

May mga nag-tag pa nga sa aktor sa comment section ng post para naman umabot sa kanya ang balitang may “kakambal” siyang kasalukuyang nasa Mindanao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @jerichorosalesofficial

“Pa-DNA na ‘yan, baka mamaya may nawawala palang kambal si Echo. Malay n’yo, kayo ang maging tulay para magkita ang magkapatid!” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Nawawalang kapatid ni Echo.”

“Hawig nga niya pag nag-artista ‘yan kamukha talaga ni Jericho. Puwedeng ka-double,” chika naman ng isa.

Sa ngayon ay wala pa namang pahayag si Echo sa papasang nawawalang kapatid ng award-winning actor.

Marami sa mga netizens ang excited kung ano nga ba ang magiging reaksyon ni Echo sa oras na mabasa at makarating na sa kanya ang balita.

For sure ay matutuwa naman ang aktor sa kanyang kamukha at malay natin, magkita sila soon kapag hindi na siya abala sa kanyang mga proyekto.

Related Chika:
Jericho Rosales ibinandera ang bagong bahay sa New York: Anong oras dadaan ang taho?

Jericho sumabak pa rin sa acting workshop sa New York kahit ‘best actor’ na sa Pinas

Jericho nagpumilit maging dishwasher sa isang bar: Kasalanan n’yo, e…malakas kayong uminom

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending