Jericho nagpumilit maging dishwasher sa isang bar: Kasalanan n'yo, e...malakas kayong uminom Bandera

Jericho nagpumilit maging dishwasher sa isang bar: Kasalanan n’yo, e…malakas kayong uminom

Ervin Santiago |March 16,2022
share this

Jericho nagpumilit maging dishwasher sa isang bar: Kasalanan n’yo, e…malakas kayong uminom

Ervin Santiago March 16, 2022 - 02:05 PM
Jericho Rosales

Jericho Rosales

VIRAL na ngayon sa social media ang isang TikTok video kung saan makikitang naghuhuhas ng mga pinagkainan sa isang bar ang award-winning actor na si Jericho Rosales.

Maraming natuwa at naaliw sa ginawang pagtulong ni Echo sa staff ng nasabing bar na matatagpuan daw sa La Union.

Ang nasabing video ay ipinost sa TikTok ng isang account user na may handle name na “melissayozel,” na isang bartender. As in talagang tinulungan daw siya ng aktor na maghugas dahil mag-isa lang siya sa bar nu’ng gabing yun.

“Sinong artista pupunta sa likod ng bar para maghugas?! #jerichorosales lang sakalam!” ang nakalagay na caption sa nasabing TikTok entry.

Biro ni Jericho sa mga customer ng bar, grabe raw kasing uminom at mamulutan ang mga ito kaya natambakan ng hugasin si Melissa.

“Masyado kayong malakas uminom. Kasalanan n’yo ‘yun, e. Malakas kayong uminom, nag-iisa lang siya,” ang chika ng Kapamilya actor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @jerichorosalesofficial


Isa pang video clip ang ibinahagi ni  Melissa sa netizens kung saan naikuwento niya na noong Nobyembre pa ng nakaraang taon nangyari ang pagiging dishwasher ni Echo.

Sabi ng bartender, solo lamang siya that time kaya bukod sa pagiging bartender at cashier ay siya pa ang dishwasher. Nagkataon naman daw na naroon ang aktor at kaibigan nito ang isang katrabaho ni Melissa.

“Nu’ng medyo pa-closing na, lumapit na siya. Dapat huhugasan niya lang ‘yung kanya pero nakita niya na marami nang baso. Sabi niya, ‘hugasan ko na ‘to ha,’” kuwento pa ni Melissa.

Hiyang-hiya raw siya sa aktor kaya  pinigilan niya ito pero talagang nagpumilit daw si Echo na tulungan na siya.

“‘Okay lang talaga. Naiintindihan kita. Waiter din ako dati, kaya okay lang sakin. At saka medyo lasing na ko, iniiwasan ko na mag-shot,’ sabi niya sa akin,” pagbabahagi pa ng bartender.

Jericho sumabak pa rin sa acting workshop sa New York kahit ‘best actor’ na sa Pinas

Jericho sumabak pa rin sa acting workshop sa New York kahit ‘best actor’ na sa Pinas

Chiz sa pagtatambal uli nina Heart at Jericho: It’s up to you, hindi naman ako selosong tao…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending