Kundisyon ni Juday sa reunion project nila ni Piolo: Kung puchi-puchi lang parang unfair... | Bandera

Kundisyon ni Juday sa reunion project nila ni Piolo: Kung puchi-puchi lang parang unfair…

Ervin Santiago |May 26,2021
facebook
share this

Kundisyon ni Juday sa reunion project nila ni Piolo: Kung puchi-puchi lang parang unfair…

Ervin Santiago - May 26, 2021 - 11:11 AM

SIGURADONG magpipiyesta nang bonggang-bongga ang madlang pipol kapag natuloy na ang pinakahihintay na reunion project nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual.

Marami nga ang na-disappoint at nalungkot nang hindi sila ang magbibida sa Pinoy version ng hit TV series na “Doctor Foster” o “The World Of The Married” (remake ng Korea).

Sa panayam kina Juday at Papa P, pareho naman nilang sinabi na payag silang magsama uli sa isang pelikula o teleserye pero may mga “kundisyon”. Alam daw nila na marami na ang naghihintay sa muli nilang pagtatambal.

“Wala namang question ‘yung chemistry namin ni Piolo to begin with. From the very start of our tandem, may chemistry na siguro din talagang nakita ang ABS,” pahayag ni Juday sa online chikahan nila ni G3 San Diego.

In fairness, pinatunayan na yan ng dalawa sa sunud-sunod nilang proyekto noon, mula pa sa seryeng “Esperanza,” hanggang sa mga pelikulang “Sa Puso Ko Iingatan Ka,” “Bakit ‘Di Totoohanin,” “Till There Was You” at “Don’t Give Up on Us.”

Sa tanong kung ano nga ba ang sikreto ng tambalang Juday-Piolo, “Because we are really good friends, kami ni Piolo. Probably it was really a nice friendship na talagang kapag on-cam, on-cam. Trabaho natin ito, gagawin natin ito.”

“I guess the spark when you act with your love team, automatic na siyang lumalabas. And may mutual naman kaming pagtingin sa isa’t isa at some point siguro no? Kasi ‘yung chemistry hindi naman siya lalabas doon eh,” dagdag pang pahayag ng misis ni Ryan Agoncillo.

“Yung mutual na pagtingin na iyon, we both know that that friendship is just that friendship. Because kapag lumagpas pa kami doon, masisira na ang pangkalahatan,” sey pa ng award-winning actress.

At kung gagawa nga raw sila uli ni Piolo ng bagong serye o pelikula, “Malaking factor din kasi kung ano ‘yung takbo ng istorya kasi ang tagal-tagal na wala kaming project together.

“It should be something really worth watching and worth waiting. Kasi kung gagawa kami ng project na puchi-puchi lang, para lang magsama kami, parang unfair naman iyon sa pangkalahatan. Parang hindi tama, hindi tugma at hindi akma na, ‘Gawin natin ito kasi gusto ng mga fans.’

“Mas after ako doon sa humanap tayo ng tamang material. Walang perfect na material. Hindi ako naghahanap ng perfect, naghahanap lang ako ng tamang material. Kasi kung gagawa ka ng huling project with Piolo, it should be something really exceptional,” paliwanag pa ni Juday.

Ngunit baka raw matagalan pa talaga ang reunion project nila ni Papa P,  “I am not really closing my doors with that possibility kasi wala namang impossible. Sa pagkakataong ito, kung kaya, bakit hindi? It’s just that lalo ngayon, ang hirap.

“Hindi ako makatanggap ng mga acting jobs kasi natatakot ako talagang lumabas. The thought of bubble taping, hindi ko kaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Malalayo sa pamilya eh ang liliit pa ng mga anak namin. Siguro kung mga dalaga at binate na ito, maiintindihan nila,” katwiran pa ng Soap Opera Queen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending