Sharon sinumbong si Maricel sa madlang pipol; game pa rin sa reunion movie nila ni Gabby | Bandera

Sharon sinumbong si Maricel sa madlang pipol; game pa rin sa reunion movie nila ni Gabby

Ervin Santiago |March 11,2021
facebook
share this

Sharon sinumbong si Maricel sa madlang pipol; game pa rin sa reunion movie nila ni Gabby

Ervin Santiago - March 11, 2021 - 10:29 AM

HINDI pa rin nawawalan ng pag-asa si Megastar Sharon Cuneta na darating ang tamang panahon para magkasama uli sila sa pelikula ni Gabby Concepcion.

Game na game pa rin ang OPM at movie icon na gawin ang reunion project kasama ang kanyang ex-husband na ilang beses nang napurnada dahil sa kung anu-anong dahilan.

Nag-post si Mega sa kanyang Instagram account kamakailan ng  isang photo collage kung saan pinagsama niya ang litrato nila ni Gabby kasama ang kanilang mga batang screen partners.

Sa bagong Kapuso series ni Gabby na “First Yaya” makakatambal niya si Sanya Lopez habang ang hunk actor namang si Marco Gumabao ang leading man ni Shawie sa latest movie niya sa Viva Films.

Sey ni Mega sa caption, “And you, Kitina’s Papi! Kala mo ikaw lang may batang partner ha?!”

“Game ka na ba? Ako walang kaproble-problema. You na lang hinihintay ng bansa!” panunukso pa niya sa dating asawa.

Kung inyong matatandaan, taong 2016 nang unang mapabalita na gagawa ng reunion movie sina Sharon at Gabby na huli pang napanood sa pelikulang “Tayong Dalawa” noong 1992.

Ngunit hindi nga ito nangyari hanggang sa magsama sila sa isang TV commercial para sa isang fast food chain.

Inakala ng kanilang fans na ang susunod na nilang gagawin at ang kanilang reunion film ngunit hindi pa rin ito natuloy.

Sa isang panayam sa aktor, gusto pa rin niyang matuloy ang pelikula nila ni Sharon at kung pupuwede sila na mismo ang magiging producer nito.

“But of course, kailangan rin namin ng ibang producers, para everybody happy, magkakatulungan. Hindi mo naman pwede solohin so magkakaroon ng major producers,” sey ni Gabby.

Aniya pa, “We really, really need a good story, so if everybody has a really good story out there, it should be something out of the box, kakaiba.”

Samantala, sa isa namang throwback post ni Sharon, ibinandera niya ang matagal nang pangarap na makasama sa pelikula ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Makikita sa post ni Mega ang black and white picture nila ni Marya habang kumakanta sa stage na may caption na, “Ano na, Mary?! Itong babaeng ito mga 1,000 times ko na sinasabi na gumawa na kami ng movie!

“Ateng ko hintayin pa ba natin mag-65?!!! Eh bakit kasi tuwing bini-bring up ko iniiba mo ang topic!!! Ayan sinumbong na kita sa netizens para alam nila ikaw lang hinihintay ko! Tara na Mary!” mensahe pa ni Shawie kay Maricel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Na-excite naman ang mga Sharonians at fans ng Diamond Star sa posibleng pagsasama ng dalawang award-winning actress sa isang project kaya nanawagan din sila sa mga producers na tuparin na ang dream ni Mega.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending