Bea Alonzo na-diagnose ng hypothyroidism kaya raw hindi mapigil ang pagtaba: ‘Yun po yung reason, pasensya na kayo’
NANG dahil sa “hypothyroidism” ay hindi nakokontrol ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang pagbigat ng kanyang timbang.
Ayon sa isang health website, ang pagkakaroon ng hypothyroidism ay nangangahulugang hindi aktibo ang thyroid gland ng isang tao kaya hindi makapag-produce ng sapat na thyroid hormone.
At dahil dito, hindi nagiging normal ang metabolismo ng katawan ng isang tao na siyang sanhi ng pagdagdag ng timbang.
View this post on Instagram
Ipinagtapat ng premyadong aktres ang kundisyon ng kalusugan sa bago niyang vlog na napapanood sa kanyang YouTube channel.
Baka Bet Mo: Kris Aquino nagpapalakas na, patuloy na nadadagdagan ang timbang: ‘Napaka-powerful talaga ng prayers’
“Aside from having PCOS (polycystic ovary syndrome), I recently was diagnosed with hypothyroidism so that’s the reason behind my gaining weight,” ang pagtatapat ni Bea tungkol sa kanyang pagtaba.
“I’m trying to address it now by working out, by dieting and taking meds for it and supplement. So wish me luck, sana matapos na siya.
“So mga nagsasabi diyan, bakit ang taba na daw ni Bea, yun po yung reason. Pasensya na kayo,” ang pahayag pa ng dalaga.
Bukod kay Bea, ang iba pang female celebrity na may hypothyroidism ay sina Shaina Magdayao at Moira dela Torre. May problema rin sa thyroid si Angel Locsin kaya tumaba ito.
Vice Ganda nag-sorry sa madlang pipol, absent sa ‘Miss Q&A Queenfinity War’
Ritz Azul aminadong tumaba pagkatapos magpakasal: ‘Sabi nila hiyang daw po sa pag-aasawa’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.