Vice Ganda nag-sorry sa madlang pipol, absent sa 'Miss Q&A Queenfinity War' | Bandera

Vice Ganda nag-sorry sa madlang pipol, absent sa ‘Miss Q&A Queenfinity War’

Therese Arceo |October 22,2022
facebook
share this

Vice Ganda nag-sorry sa madlang pipol, absent sa ‘Miss Q&A Queenfinity War’

Therese Arceo - October 22, 2022 - 07:37 PM

Vice Ganda nag-sorry sa madlang pipol, absent sa 'Miss Q&A Queenfinity War'

TRENDING ngayon sa Twitter ang Unkabogable Star na si Vice Ganda at ang isa sa mga segment ng “It’s Showtime” na Miss Q&A Queenfinity War.

Marami kasi sa netizens ang hindi masyadong nasiyahan sa naturang segment na madalas ay nagdadala ng happiness sa madlang pipol dahil absent ang isa sa main host ng programa.

Marami rin ang nagtaka dahil kung kailan grand finals ng segment na malapit sa kanyang puso ay doon pa wala si Vice.

Halos dalawang linggo na ring hindi napapanood ang Phenomenal Star sa “It’s Showtime” kaya naman hindi maiwasan ang paglabas ng iba’t ibang espekulasyon ng mga tao kung bakit tila missing in action ang komedyante.

May mga nagsasabing tia na-badtrip daw si Vice sa co-hosts ng programa, na sinuspende raw siya ng management,at mayroon pang kumakalat na lilipat na ito sa media network na pag-aari ng mga Villar na ALLTV.

Ngunit nitong Lunes, Oktubre 17 nang muling magbalik sa noontime show ang Unkabogable star upang basagin ang mga kumakalat na isyu patungkol sa pansamantala niyang pagkawala sa programa.

May pa-new look pa nga si Meme Vice sa kanyang comeback dahil mahaba na ang kanyang buhok at iba na naman ang hair color nito.

At muli na namang nalungkot ang madlang pipol dahil wala ito sa pinakamahalagang ganap para sa Miss Q&A.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

Marami rin anng mga dumipensa para kay Vice laban sa ibang tao na bumabatikos sa madalas nagpakawala niya sa noontime show.

“Lahat sa inyo big deal, Meme Vice isn’t just a host, she also has so many works to do, and she’s not that kind of host you’re thinking. Everytime na absent siya has a valid reason, not for stupid reason lang gaya ng sinasabi n’yo sa kaniya #MissQandAQueenfinityWar,” sey ng isang netizen.

Dagdag pa ng isa, “Hindi naman nating kailangan manghinayang dahil wala si Vice this GF because after all, she did her best to make this segment come up again in the National TV, she did her best to elaborate issues tackled on this segment and mostly, she did her best to host the segment.”

Kaya naman makalipas ng ilang oras ay naglabas ng pahayag si Vice at nilinaw ang dahilan ng pagkaka-absent niya sa grand finals sa pamamagitan ng kanyang Twitter page.

Kahit raw gusto talaga niyang maging partng grand final ay hindi sa isang valid reason.

“Sorry po wala pa rin ako sa Showtime. Kagabi pa ko umiiyak dahil di ako napayagan for a valid reason. Di ako pumayag na i-adjust ang date ng Finals kasi this event is not about me. It’s about these beautiful girls and their talents. So for now let’s focus on them. Sorry po!” hinfing paumanhin ni Vice.

Dagdag pa niya, “Kung alam n’yo lang kung gaano ‘to kasakit para sa akin. This segment is very important to me and very close to my heart. Aside from the fact na di ko masusuot yung mga pinagawa kong gowns para aliwin ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Miss Q&A Juliana Parizcova hinampas ng trophy sa ulo; kontra sa pagsali ng trans sa Miss U

Kapamilya, Kapuso stars nagpiyesta sa pagsasanib-pwersa ng ABS-CBN at GMA: ‘Goodbye network war!’

Vice Ganda hindi lalayasan ang ‘Showtime’: Ang dami ko lang labada at sinampay, I’ll be back soon!

News5 nag-sorry sa maling balita ukol sa ‘iringan’ nina Vice Ganda at Marian Rivera

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending