Xander Ford ‘single’ na, partner na si Gena sumama sa ibang lalaki?
MUKHANG tuluyan nang iniwan ng kanyang partner ang social media personality na si Xander Ford.
Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ibinandera ni Xander ang pamamaalam sa non-showbiz girlfriend na si Gena Mago.
“Salamat sa 3 years asawa ko. Paalam at malaya ka na,” caption niya sa post.
Wika pa niya sa hiwalay na story, “Back to normal nanaman tayo –single life, single moment, find peace, find happiness.”
Baka Bet Mo: Xander Ford nagmakaawa kay Kathryn: ‘Sana isang araw mapatawad mo po ako’
Pagkatapos niyan ay unti-unti nang ibinunyag ni Xander kung ano ang nangyari kung bakit siya hiniwalayan ni Gena.
Tila ipinahiwatig niya na mas pinili ng kanyang partner ang lalaking nakakausap umano nito.
“Cheat po ba tawag sa kayo pa pero may iba na siyang gusto at kinakausap at kahit may anak na kami, mas pinili niya ‘yung ibang tao kesa sa amin ng pamilya niya??” saad niya.
Hindi na pinangalanan ni Xander kung kanino siya ipinagpalit, pero sinabi niyang kaibigan niya ang bagong kagustuhan ni Gena.
“Bakit ganun Babe Gena, sa dami mong gugustuhing tao, bakit ‘yung kaibigan ko pa [crying, brokenheart emojis],” tanong niya.
Dagdag pa niya sa serye ng posts, “Ang ahas minsan nasa gubat, minsan nasa tahanan lang. Pinatira mo tapos aahasin ka na pala [crying, snake emojis].”
Sa huli, may pakiusap si Xander kay Gena at ito ay ipahiram sa kanya ang kanilang anak na si Xeres Isiah.
“‘Yung bata sana ipahiram mo sa amin, nakikiusap ako sayo,” panawagan niya.
Kung maaalala, June last year nang unang hiwalayan ni Gena si Xander dahil sa sa isyu ng ‘di umano’y paniningil ng huli ng pera sa kapwa socmed personality na si Christian Merck Grey.
Kung matatandaa naman nang ibinandera ni Xander noong September 2022 ang pagbubuntis ni Gema sa panganay nilang anak at isinilang ang bata noong December 29 sa kaparehong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.