Xander Ford nagmakaawa kay Kathryn: Sanamapatawad mo ako

Xander Ford nagmakaawa kay Kathryn: ‘Sana isang araw mapatawad mo po ako’

Ervin Santiago |December 05,2023
facebook
share this

Xander Ford nagmakaawa kay Kathryn: ‘Sana isang araw mapatawad mo po ako’

Ervin Santiago - December 05, 2023 - 12:36 PM

Xander Ford nagmakaawa kay Kathryn: 'Sana isang araw mapatawad mo po ako'

Xander Ford, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

NAKISAWSAW din sa paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang social media personality na si Xander Ford.

Hindi ito nagustuhan ng mga KathNiel fans kaya inakusahan siya na ginagamit lang ang nagkahiwalay na magdyowa para magpapansin sa madlang pipol.

Sa Instagram, nag-post kahapon, December 4, si Xander Ford ng screenshot ng kanyang direct message para kay Kathryn.

Aniya, nalulungkot at nagluluksa rin siya nang ihayag nina Kathryn at Daniel na tapos na ang kanilang 11-year relationship.

Kasabay nito, muli niyang inungkat ang pagkamali niya noon kung saan nakapagsabi siya ng masasamang salita laban kay Kathryn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Mensahe ni Xander sa Kapamilya actress, “Opo nagkamali ako sayo 7 yrs ago, nakapagsalita ako ng hindi maganda sayo at ngayon hinihingi ko ng tawad sayo yun ate Kath.”

Baka Bet Mo: Xander Ford ‘sinisingil’ ng P349k si Makagwapo: ‘Gusto ko lang naman makuha ‘yung para sa amin’

Aniya, until now ay pinagsisisihan pa rin niya ang bahaging iyon ng kanyang buhay. Sabi ni Xander sa caption, “7yrs Ago pero hangang ngayun bumabagabag parin sa isip ko sana ate kath isang araw mapatawad mo po ako.”

Pero hindi nagustuhan ng mga KathNiel fans at ng mga netizens ang post ni Xander. Paninita sa kanya ng isang netizen, “Okay, bat kelangan I post?”

Sinagot siya ni Xander ng, “kasi kahit dito makita nya at malay ko magreply po sya.”

Natatawa namang komento ng isang nakabasa sa post ni Xander, “Pano mag seen at reply ay hnd naman yan ang acct ni kath meron na syang 19.7M follower (lauging emojis).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Noong October, 2017, may nag-post ng lumang videos ni Xander sa socmed kung saan tiwanag niyang “sakang” si Kathryn.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz nag-react sa ‘patama’ post ni Xander Ford: Kung ako man itong pinariringgan, pasensya na

Maririnig sa isang video ang boses ni Xander na nagpo-promote ng dating Kapamilya primetime series na “La Luna Sangre” na pinagbidahan noon nina Kathryn at Daniel.

“Spoiler po talaga ako. Gusto ko lang po sabihin sa inyo na yung lobo pong ginaganapan ni Kathryn Bernardo po, sakang po yun,” ang sabi ng nagsasalita sa video.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patuloy pa nito, “Kaya po sa mga naniniwalang gustong maging No. 1 FHM model si Kathryn Bernardo, huwag na po kayong umasa. Never pa akong nakakita ng sexy na sakang ang paa.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending