Xander Ford ‘sinisingil’ ng P349k si Makagwapo: ‘Gusto ko lang naman makuha ‘yung para sa amin' | Bandera

Xander Ford ‘sinisingil’ ng P349k si Makagwapo: ‘Gusto ko lang naman makuha ‘yung para sa amin’

Pauline del Rosario |May 15,2023
facebook
share this

Xander Ford ‘sinisingil’ ng P349k si Makagwapo: ‘Gusto ko lang naman makuha ‘yung para sa amin’

Pauline del Rosario - May 15, 2023 - 04:34 PM

Xander Ford ‘sinisingil’ ng P349k si Makagwapo: ‘Gusto ko lang naman makuha ‘yung para sa amin'

PHOTO: Instagram/@z4nder.official

NOONG nakaraang linggo lamang ay ibinunyag ng social media personality na si Xander Ford ang isa sa mga tinutukoy niyang ninong na hindi nakasipot sa binyag ng kanyang anak na si Xeres.

Ayon sa kanya, ito ay ang dating miyembro ng Hasht5 at vlogger na si Christian Merck Gray o mas kilala bilang “Makagwapo.”

Nakwento pa nga ni Xander na pinangakuan siyang nito na sasagutin ang kalahati ng nagastos sa binyag, at  bukod pa riyan ay mabibigay rin ito ng P349,000.

Pero hanggang ngayon ay mukhang hindi pa ito natutupad ng nasabing ninong at dahil diyan ay tila naniningil na si Xander.

Nag-upload pa nga ng video ang socmed personality sa Facebook upang manawagan kay Makagwapo.

Sey ni Xander sa FB video, “Gusto kong makuha ‘yung para sa amin. Siyempre, ang dami na naming naging problema.

Baka Bet Mo: Xander Ford humiling ng dasal para sa amang may sakit: ‘Pasensya na kung naging makasarili ako…kapit ka lang Papa’

“Ang dami naming pinagdadaanan na – ayoko rin naman na makinig sa mga sinasabi ng ibang tao, sa mga nagko-comment diyan, sa mga nag-iisyu diyan na kesyo hinahabol pa namin, siguro iba-iba tayo.”

“Pero kasi kami, Ang gusto lang naman namin dito is makuha namin ‘yung para sa amin na alam namin at alam naman niya na talagang siya ang nagsabi ‘nun na talagang ipinangako niya sa amin ‘yun na kesyo ganyan, kesyo ganito,” patuloy pa niya.

“‘Yun lang ‘yung gusto naming mangyari dito na sana ibigay mo nalang samin ‘yung P349,000 na ipinangako mo sa amin,” ani pa ni Xander.

Isa-isa na ring ipinaliwanag ng socmed personality kung bakit talagang inaasam-asam nilang makuha ito.

Paliwanag niya, “Kasi Kuya Mark, kung alam mo lang na may problema rin kami. Marami kaming naging problema. May mga naaksidente sa part ng pamilya namin parehas, ang dami naming pinaggagastusan na babayaran na ganito. Pero ‘yun lang ang gusto naming mabawi talaga dito as in.”

“Pero ‘yung nga, sabi nga nila, huwag tayo nangangako kung hindi naman kaya natin tuparin,” payo pa niya kay Makagwapo.

Aniya pa, “So ayun nga. Merck, sana ibigay mo ‘to kasi mas kailangan na kailangan namin ‘to lalo na ngayon may pamilya na kami.”

“‘Yung misis ko, apat na buwan pa lang nanganganak. Meron pa siyang postpartum na nararamdaman niya. Siguro alam mo po ‘yan na may asawa ka naman,” dagdag ni Xander.

Sambit pa niya, “So sana maintindihan mo kami at maunawaan mo kami kung bakit ganito namin bini-big deal ‘yung ipinangako mo sa amin.”

Nilinaw din naman ni Xander na ayos lang kung hindi matupad ang mga ipinangako sa kanyang pamilya, ngunit wish niya lang ay magpaliwanag si Makagwapo sa kanila.

Sey niya, “So Sana hanggang dito nalang ang sasabihin namin kung. Merck, sana sumagot ka sa amin. Sana ibigay mo nalang sa amin at kung hindi, okay lang naman. Pwede mo naman sa amin sabihin ‘yung side mo para alam namin kung magbibigay ka pa ba o hindi na.”

Kung maaalala, maraming netizens ang naawa kay Xander dahil sa nangyari sa binyag ng kanyang panganay na anak.

‘Yan ay matapos siyan magsumbong a kanyang followers sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na hindi sumipot sa binyag ng anak nila ni Gemma Mago ang mga taong malalapit at importante sa kanya.

Kung matatandaan, ibinandera ni Xander noong September 2022 ang pagbubuntis ni Gema sa panganay nilang anak at isinilang ang bata noong December 29, 2022.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xander Ford magiging tatay na, hirit ni Xian Gaza: Sana lang huwag maging kamukha, jusko por santo!

Ogie Diaz nag-react sa ‘patama’ post ni Xander Ford: Kung ako man itong pinariringgan, pasensya na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending