Xander Ford ‘feeling lonely’ sa kanyang birthday

Xander Ford ‘feeling lonely’ sa kanyang birthday: Kapag wala kang pera, walang taong gugustuhing maging kaibigan ka!

Pauline del Rosario |May 12,2023
facebook
share this

Xander Ford ‘feeling lonely’ sa kanyang birthday: Kapag wala kang pera, walang taong gugustuhing maging kaibigan ka!

Pauline del Rosario - May 12, 2023 - 05:48 PM

Xander Ford ‘feeling lonely’ sa kanyang birthday: Kapag wala kang pera, walang taong gugustuhing maging kaibigan ka!

PHOTO: Instagram/@z4nder.official

MALUNGKOT na malungkot ngayon ang social media personality na si Xander Ford sa pagdiriwang ng kanyang birthday.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ibinandera ni Xander ang isa nanamang sama ng loob dahil walang kaibigan o loved ones ang bumati sa kanyang naging kaarawan noong May 11.

Ayon sa kanya, na-realize niya na kailangan pala ng pera para magkaroon ng mga kaibigan.

“Birthday ko bukas miski isa, walang tao na bumati sa akin or maalala ako,” sey niya sa kanyang IG Story noong May 10.

Dagdag pa niya, “Ngayon ko lang napagtanto na ‘pag wala kang pera, walang tao ang gugustuhin ka maging kaibigan.” 

Kinabukasan ng post na ‘yan ay ang kanyang pagbati sa sarili at inalala pa ‘yung mga panahon na hindi pa siya sumisikat.

saad ni Xander sa kanyang Instagram story, “Happy birthday Self.K]aya natin ito kahit wala ng tao ang gustong kasama tayo.”

“Nakakamiss lang nung panahon na ‘di pa ako sikat, palagi akong nag-birthday na may kasama kahit hindi garbo,” chika niya. 

Baka Bet Mo: Xander Ford gustong mag-sorry nang personal kay Kathryn Bernardo, umaming binayaran lang para manglait

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kamakailan lang ay naging usap-usapan ang naging binyag ng kanyang panganay na anak na si Xeres Isaiah.

Nagsumbong kasi siya sa kanyang followers sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na hindi sumipot sa binyag ng anak nila ni Gemma Mago ang mga taong malalapit at importante sa kanya.

Wala namang binanggit si Xander kung sino-sino ang mga tinutukoy niyang bisita na nangdedma sa binyag ng anak. 

Hindi rin niya in-explain kung bakit hindi  nakarating ang mga ine-expect niyang mga guest.

Kung matatandaan, ibinandera ni Xander noong September 2022 ang pagbubuntis ni Gema sa panganay nilang anak. Isinilang ang bata noong December 29, 2022.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xander Ford magiging tatay na, hirit ni Xian Gaza: Sana lang huwag maging kamukha, jusko por santo!

Ogie Diaz nag-react sa ‘patama’ post ni Xander Ford: Kung ako man itong pinariringgan, pasensya na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending