Xander Ford magiging tatay na, hirit ni Xian Gaza: Sana lang huwag maging kamukha, jusko por santo! | Bandera

Xander Ford magiging tatay na, hirit ni Xian Gaza: Sana lang huwag maging kamukha, jusko por santo!

Reggee Bonoan |August 08,2022
facebook
share this

Xander Ford magiging tatay na, hirit ni Xian Gaza: Sana lang huwag maging kamukha, jusko por santo!

Reggee Bonoan - August 08, 2022 - 09:35 AM

Xander Ford at Xian Gaza

LUKANG-LUKA ang wannabe actor at social media influencer na si Xander Ford o Marlou Arizala sa tunay na buhay dahil sa ginawa ng Pambansang Marites na si Xian Gaza.

Tinext kasi niya si Xian na kukunin siyang ninong dahil magiging tatay na siya pero sana raw secret lang muna.

Ito ang malaking pagkakamali ni Xander Ford dahil walang off-the record kay Xian, pati nga personal niyang buhay ay iwinawagayway niya sa buong mundo sa pamamagitan ng social media.

Kaagad ipinost ni Xian Gaza ang palitan nila ng mensahe ni Xander Ford.
“I’m a Dad na,” say nag-aartistang online sensation.

Tuloy na sabi ni Xander Ford, “Boss, ninong ka ah. Pero sana ‘wag  mo muna ilabas sa socmed gusto ko lang mag-confess sa ‘yo.”

As of this writing (kaninang 5 a.m.) ay umabot na sa 619 shares ang post na ito ni Xian Gaza sa kanyang Facebook account at 44,000 naman ang nag-post ng laughing emojis.

Ang sagot ni Xian Gaza sa sinabing kukunin siyang ninong, “SANA LANG TALAGA EH HUWAG MAGING KAMUKHA JUSKO POR SANTO IN JESUS NAME.”

At nang mabasa ni Xander Ford ang post, ito ang sabi niya, “Sabi ko wag maingay eh.”
Pero hndi natinag ang lalaking tsismoso, “Ako tigil-tigilan mo at baka hindi ko matantsa yung mukha mo.”

Ang katwiran naman kasi ni Xander Ford kaya sinabi niyang tahimik muna ay, “Kasi naman boss inunahan muna kami mag Revail eh nawala na ‘yung Karapatang pang tao namin. Ay ng GF ko pala Moral suport ako. Dipala ako tao.”

Tanong ni Xian Gaza, “Kailan ang Gender Revel para mag-book na ko ng flight.”

Uuwi ng Pilipinas ang lalaking Marites pagkatapos ng ilang taong pamamalagi sa ibang bansa? Ang lakas naman ni Xander Ford.

Tinanong naman ni Xander Ford kung ipaghahanda niya ng red carpet ang ninong ng anak at sinagot siya ng hindi at huwag nang gumastos.

Ayon pa kay Xian Gaza ay magdadala siya ng dalawang kotseng kulay pink at blue.

Bilin nito kay Xander Ford, “Magdadala ako ng dalawang kotse, isang pink na Vios at blue na Vios. Ako magre-reveal sa buong barangay para maramdaman ng mga kapitbahay mo kung gaano sila kahirap. Family car niyo na yun.”

Nagulat ang soon to be dad, “Totoo ba yan Boss? Oh Ema lang Hala sobrang saya ko kasi Makakapag start narin kami para sa Baby.”

At dahil sa sobrang pagka-idolo ng dating wannabe actor ay ipapangalan niya kay Xian Gaza ang anak, “Christian Harris pag Lalaki John Xian pag babae Xianna Gracia.”

Tanong naman ng future ninong, “Bat puro may Xian?”

Sagot naman ni Xander Ford, “Christian Harris sipsip lang at baka makapamasko ng malaki.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabay bawi, “Hindi naman po porket sa inyo namin binase yung pangalan is santo na boss gusto namin sya maging katulad ninyo na maging matulungin at maging pogi. ganuon lang very simple.”

Ogie Diaz may babala sa mga magulang na ginawang ‘hanapbuhay’ ang Pasko

Xian Gaza may pa-Q&A kay Carla Abellana: Totoo po ba ang chismis?

Barbie Imperial kay Magui Ford: Super grateful I have a friend like you

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending