Ogie Diaz nag-react sa 'patama' post ni Xander Ford: Kung ako man itong pinariringgan, pasensya na | Bandera

Ogie Diaz nag-react sa ‘patama’ post ni Xander Ford: Kung ako man itong pinariringgan, pasensya na

Therese Arceo |May 07,2023
facebook
share this

Ogie Diaz nag-react sa ‘patama’ post ni Xander Ford: Kung ako man itong pinariringgan, pasensya na

Therese Arceo - May 07, 2023 - 01:28 AM

Ogie Diaz nag-react sa 'patama' post ni Xander Ford: Kung ako man itong pinariringgan, pasensya na

NAGPAHAYAG ng kanyang opinyon ang talent manager na si Ogie Diaz ukol sa hugot post ng social media personality na si Xander Ford.

Sa kanyang YouTube vlog na “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Tita Jegs, isa sa kanilang mga napag-usapan ay ang naging malungkot na post nito kaugnay ng binyag ng kanyang anak.

Ang tanong ni Ogie, siya nga ba ang pinariringgan nito sa kanyang Instagram story?

Ayon kasi sa sinabi ni Xander, “Ngayon ‘yung binyag ng anak ko. Ang lungkot kasi ‘yung mga taong inaasahan ko na pupunta, sila ‘yung wala. Kahit ‘yung presensya lang sana para sa baby ko ok na ako pero alam ko di rin kami importante kasi di naman na kami sikat.”

Baling ni Mama Loi kay Ogie, “Teka ‘nay, di ba dapat ninong ka dito? Um-attend ka ba?”

Kinumpirma naman ng talent manager na isa siya sa mga kinuhang pangalawang magulang ng anak ni Xander.

“Ako ba pinariringgan mo Xander Ford?” pabiro at natatawang saad ni Ogie.

Aniya, May 3 daw kasi ang binyag ng anak nito at nagkataon na taping ng bagong show niya sa Pie channel na “Kung Saka-Sakali”.

Baka Bet Mo: Xander Ford naglabas ng sama ng loob: ‘Ngayon ang binyag ng anak ko, ang lungkot kasi yung mga taong inaasahan kong pupunta sila yung wala’

Pagpapatuloy niya, “Pasensya na Xander kung ako man itong pinariringgan mo, pasensya na. Pero hindi ako nag-promise kay Xander na makakarating kasi nga yun nga yung conflict doon.”

Sey ni Ogie, noong kausap niya raw ito sa kaniyang one-on-one interview ay tinanggap nito ang pagiging pangalawang magulang ng anak ni Xander.

“Pero sabi ko naman ipadadala ko ang aking regalo. E hiningi ko naman kay Xander ‘yung kanyang ano, bank details, alam na. Para sa inaanak ko yun,” lahad niya.

Ngunit hindi naman daw siya nangako na makakapunta lalo na’t may kalayuan rin ang lugar ng binyag nito na ginanap sa Cavite.

Payo pa niya, sa mga susunod raw na anak ni Xander ay dapat raw huwag nitong asahan na lahat ng kinuha niyang ninong at ninang ay makakarating sa mismong araw ng binyag.

“Saka Xander alam naman nating may solian ng kandila, ‘wag kang magpapasoli ng kandila lalo na’t ‘di naman tinanggihan ‘yung anak mo na maging sila ‘yung pangalawang magulang,” hirit pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Xander Ford gustong mag-sorry nang personal kay Kathryn Bernardo, umaming binayaran lang para manglait

Cristy Fermin sa hindi pakikiramay ni Liza Soberano kay Ogie Diaz: Hindi ako makapaniwala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending