Xander Ford gustong mag-sorry nang personal kay Kathryn Bernardo, umaming binayaran lang para manglait | Bandera

Xander Ford gustong mag-sorry nang personal kay Kathryn Bernardo, umaming binayaran lang para manglait

Ervin Santiago |November 22,2022
facebook
share this

Xander Ford gustong mag-sorry nang personal kay Kathryn Bernardo, umaming binayaran lang para manglait

Ervin Santiago - November 22, 2022 - 06:32 AM

Xander Ford gustong mag-sorry nang personal kay Kathryn

Kathryn Bernardo at Xander Ford

GUSTONG mag-sorry nang personal at magpaliwanag ng internet sensation at content creator na si Xander Ford kay Kathryn Bernardo.

Inamin ni Xander Ford na “bayad” at para sa content lamang ang naging kontrobersyal na komento niya noon laban kay Kathryn na talaga namang ikinagalit nang bonggang-bongga ng KathNiel fans.

Sa interview ng talent manager at YouTuber na si Ogie Diaz, nabanggit ni Xander na humingi na siya ng paumanhin sa lahat ng supporters at followers ni Kathryn sa social media.

Pero sey ng kontrobersyal na socmed personality, gusto pa rin niyang makahingi ng tawad sa girlfriend ni Daniel Padilla nang personal.

Aniya pa, labag daw talaga sa kanyang kalooban ang mga ipinost niya noon laban kay Kathryn at pinagsisisihan na niya ito. Sana raw ay magkaroon siya ng chance na ma-meet nang face-to-face ang Kapamilya actress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xander Arizala (@z4nder.official)


Sabi pa ni Xander, kitang-kita naman daw ng publiko ang kagandahan ng dalaga at wala naman talaga siyang balak na siraan at laitin ang dalaga.

“Actually du’n sa content na ‘yun, labag po sa kalooban ko ‘yun. Sabihin na natin na content, pang-content lang talaga, bayad ako,” pag-amin ni Xander.

“Actually po, nanghingi po ako ng sorry sa mga fans. Pero ‘yung isang pangarap ko po talaga na makaharap si Ate Kathryn ng personal, na makapaghingi ako ng sorry,” aniya pa.

Matatandaang sumikat si Xander Ford (o Marlou Arizala sa tunay na buhay) matapos ang kanyang kontrobersiyal na make-over na ipinalabas sa “Rated K” noon ni Korina Sanchez sa ABS-CBN.

Nagsunud-sunod ang raket ni Xander nu’ng panahong yun ngunit nagdesisyon ang kanyang talent management na bitiwan na ang kanyang career dahil sa iba’t ibang kontrobersiyang kanyang kinasangkutan.

Recently ay naging usap-usapan na naman siya sa social media nang ibandera niyang magiging tatay na siya dahil buntis na ang dyowa niyang si Gena Mago.

Pero kasunod nga nito ay ang kaliwa’t kanang pangnenega at pamba-bash ng mga netizens sa kanilang relasyon at kahit ang magiging anak nila ay hindi nakaligtas sa mga walang awang netizens.

Maine nag-sorry sa mga negang tweet 10 years ago: It was my careless self talking…

Xander Ford excited nang maging tatay; Gena Mago nakiusap na huwag laitin ang anak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Barbie Imperial kay Magui Ford: Super grateful I have a friend like you

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending