Xander Ford excited nang maging tatay; Gena Mago nakiusap na huwag laitin ang anak | Bandera

Xander Ford excited nang maging tatay; Gena Mago nakiusap na huwag laitin ang anak

Ervin Santiago |September 11,2022
facebook
share this

Xander Ford excited nang maging tatay; Gena Mago nakiusap na huwag laitin ang anak

Ervin Santiago - September 11, 2022 - 11:40 AM

Tatay na si Xander Ford

Xander Ford at Gena Mago

TOTOONG-TOTOO na nga — magiging tatay na ang internet personality na si Marlou Arizala o mas kilala na ngayon bilang si Xander Ford.

Ibinandera ni Xander sa pamamagitan ng kanyang social media account last Friday, September 9, na nagdadalang-tao na ang non-showbiz girlfriend niyang si Gena Mago.

Ibinahagi niya sa Instagram ang litrato ng pregnancy test ni Gena pati ang sonogram ng kanilang magiging baby.

Aniya sa caption, “This is my Firstime Experience hindi ko alam paano ako mag Uumpisa pero alam ko Masaya ako kasi ito na sya Ilang months Nalang Malalaman na namin ang Genader (gender) nya ngayun Pangalan nalang Ang pag iisipan namin.”

“Exited (excited) na po ako,” ani Xander.

Nauna rito, nag-post din ang dyowa ni Xander na si Gena last September 7, sa kanyang Facebook page, kung saan ibinalita niyang anim na buwan na siyang nagdadalang-tao.

“Para po sa mga di pa nakakaalam yes po pregnant po ako for 6 months at ang daddy po ay si Xander Ford.

“Alam ko po madaming magsasabi na masyado pang maaga para magkaanak kami and aminado po kami doon pero hindi pa naman po doon natatapos ang journey naming dalawa.

“Hindi po porket nagkaanak na kami ay doon na titigil ang mga pangarap namin at ang buhay namin.

“Bagkus isa po ito sa magiging inspirasyon naming dalawa para mas pag igihan pa sa mga goal namin sa buhay,” pahayag ni Gena.

View this post on Instagram

A post shared by Xander Arizala (@z4nder.official)


Kasabay nito, nakiusap din si Gena sa mga netizens na tigilan na ang pamba-bash sa baby nila ni Zander Ford.

“Papanindigan namin ito at papalakihin namin ang magiging baby namin ng maayos at ipapangako namin na magiging isang mabuting magulang kami sa kaniya.

“Sa mga basher din po okay lang po kami ang ibash ninyo wag lang po yung magiging baby namin please lang,” aniya pa.

Kung may mga nangnenega kina Xander at Gena at sa magiging anak nila, marami rin naman ang natutuwa at nag-congratulate sa kanila.

Ilang netizens naman ang nagpayo kay Xander na sana’y ayusin na niya ang kanyang buhay at mas maging mature na dahil magiging tatay na siya.

Kung matatandaan, inaresto at nakulong ang social media personality noong December 22, 2020, matapos kasuhan ng anti-VAWC law violation, ng kanyang ex-girlfriend na si Ysah Cabrejas.

https://bandera.inquirer.net/320886/xander-ford-magiging-tatay-na-hirit-ni-xian-gaza-sana-lang-huwag-maging-kamukha-jusko-por-santo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/308206/vaness-pak-na-pak-ang-ootd-sa-widows-web-kapuso-viewers-kanya-kanyang-hula-kung-sino-ang-tunay-na-killer
https://bandera.inquirer.net/302929/asawat-anak-ni-pia-guanio-nag-positive-sa-covid-19
https://bandera.inquirer.net/307000/barbie-imperial-kay-magui-ford-super-grateful-i-have-a-friend-like-you

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending