Xander Ford: Hindi siguro para sa amin yung Pasko at Aginaldo

Xander Ford: Hindi siguro para sa amin yung Pasko at Aginaldo

Therese Arceo |January 04,2024
facebook
share this

Xander Ford: Hindi siguro para sa amin yung Pasko at Aginaldo

Therese Arceo - January 04, 2024 - 03:17 PM

Xander Ford: Hindi siguro para sa amin yung Pasko at Aginaldo

Xander Ford

NAGLABAS ng saloobin ang social media personality na si Xander Ford o si Marlou Arizala sa totoong buhay ukol sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Sa kanyang recent Facebook post ay ibinahagi niya na hindi na siya namasko sa mga ninong at ninang ng kanilang anak ni Gena na si Xeres.

“Dina kami Namasko sa mga [Ninong]/Ninang Kasi pag sa ibang vloger ok lang silang humingi ng aginaldo pero pag sa amin mukang pera, mahirap, [at] walang wala,” pagbabahagi ni Xander.

Pagpapatuloy pa niya, marahil ay hindi raw para sa kabila ang Pasko at pagkakaroon ng aginaldo.

Baka Bet Mo: Xander Ford nagmakaawa kay Kathryn: ‘Sana isang araw mapatawad mo po ako’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Hindi siguro para sa amin yung Pasko at Aginaldo. Ito nalang ang meron kami Ang mag kakasamang tatlo Ito yung maganda Aginaldo sa buong buhay namin,” chika pa ni Xander.

Kalakip ng kanyang post ay ang larawan nilang mag-anak.

Matatandaang naging maingay rin ang pangalan ni Xander bang magkaroon dila ng alitan ng kapwa social media influencer na si Christian Merck kung saan sinisingil niya ito para sa kabayaran ng mga ginastos niya sa binyag ni Baby Xeres.

Matapos ang kanilang palitan ng sagot sa social media ay ibinigay na rin naman kalaunan ni Merck ang perang “sinisingil” sa kanya ni Marlou.

Ngunit hindi pa nagtapos ang alitan ng dalawa dahil binalak pa ni Xander na isauli kay Merck ang oera dahil hindi nito nagustuhan ang mga sinabi ng kapwa social media influencer ukol sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending