Xander Ford ipinabugbog raw ni Christian Merck, mauwi kaya sa demandahan? | Bandera

Xander Ford ipinabugbog raw ni Christian Merck, mauwi kaya sa demandahan?

Therese Arceo |June 23,2023
facebook
share this

Xander Ford ipinabugbog raw ni Christian Merck, mauwi kaya sa demandahan?

Therese Arceo - June 23, 2023 - 07:20 PM

Xander Ford ipinabugbog raw ni Christian Merck, mauwi kaya sa demandahan?
TILA walang katapusan ang bangayan online ng mga social media personalities na sina Xander Ford at Christian Merck Grey.

Matapos ang kanilang bakbakan sa nagdaang “Battle of the YouTubers” kung saan bigong manalo ang dating Hasht5 member ay may panibagong isyu na naman sa kanila.

Sa isang Facebook video na ibinahagi ni Xander ay makikitang may bago itong sugat sa ulo.

Nagulat nga ang partner nitong si Gena Mago nang may kumatok sa kanilang pinto at sinabing duguan nga raw ito.

Nang makaligo st malinisan na ang diumano’y sugat ng binata sa ulo ay tinanong nito si Xander kung ano ang nangyari.

“Di ba nagpaalam ako kanina na pupunta lang ako sa labas, maliligo ako sa ulan. Tapos pumunta ako sa labasan. Hindi ko alam. Basta naliligo ako sa ulan tapos nagulat ako may biglang pumalo sa ulo ko.

“Tapos ayun tumakbo na ako dito kasi hinahabol niya ako dito tapos pagpunta ko dyan sa bahay hindi ko alam na duguan na pala ako,” lahad ni Xander.

Aniya, baka raw mga bashers niya ito sa social media at inutusan raw ni Merck para saktan siya.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz nag-react sa ‘patama’ post ni Xander Ford: Kung ako man itong pinariringgan, pasensya na

“Siguro ano ‘yun, ‘yung mga bashers na inutusan ni Christian Merck Grey na paluin siguro ako sa ulo kaya ganyan,” sey pa ni Xander.

Sa halip na makisimpatya ay umani pa ng batikos ang social media personality dahil halata naman daw na scripted at hindi totoo ang sinasabi nito.

“Ganito Naba tlga kadesperada itong si Xander para lang magkapera at sumikat..the design is very scripted,” saad ng isang netizen.

Puna naman ng isa, “May benda ung ulo tpos sa video wlang sugat.”

“Nakakaawa namn si Xander, sarap tuluyan,” biro naman ng isa.

Samantala nag-react naman si Merck sa bagong video ng kanyang kaaway.

“Hindi convincing ‘yung arte mo, una sa lahat. Pangalawa, sabi mo sa akin, bali ang ilong mo pero base naman sa napapanood ko, ok na ok naman siya… Wala akong intensyon na pasaktan ka,” sey ni Merck kay Xander.

Dagdag pa niya, “Pwede bang tantanan mo na ‘yung kakadawit ng pangalan ko sa bawat video mo kung pwede lang… Hindi kasi pwedeng hindi kita sasagutin kasi mamaya baka kung ano pang i-video mo.”

Binalaan pa niya si Xander na tumigil dahil baka gumawa siya ng legal na aksyon laban dito.

Related Chika:
Xander Ford magiging tatay na, hirit ni Xian Gaza: Sana lang huwag maging kamukha, jusko por santo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xander Ford ‘pinaghintay’ ni Makagwapo sa P349k, may mensahe sa mga nagsasabing mukha siyang pera

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending