Xander Ford iniwan ng mag-ina dahil sa isyung pera kay Makagwapo: Masaya ka ba ngayon? | Bandera

Xander Ford iniwan ng mag-ina dahil sa isyung pera kay Makagwapo: Masaya ka ba ngayon?

Therese Arceo |June 06,2023
facebook
share this

Xander Ford iniwan ng mag-ina dahil sa isyung pera kay Makagwapo: Masaya ka ba ngayon?

Therese Arceo - June 06, 2023 - 08:37 PM

Xander Ford iniwan ng mag-ina dahil sa isyung pera kay Makagwapo: Masaya ka ba ngayon?
MALUNGKOT ngayon ang social media personality na si Xander Ford matapos ibahagi na hiwalay na sila ng partner na si Gena Mago.

Sa isang Facebook live ay sinisisi niya ang kapwa social media personality na si Christian Merck Grey.

Ang naturang hiwalayan raw ay nag-ugat sa isyu ng diumano’y “paniningil” ni Xander ng pera kay Merck.

“Opisyal na magkahiwalay kami ng asawa ko dahil nga sa nangyaring issue na ‘to. Dahil sa taong ito, dahil kay Merck Grey, dahil sa mga isyu na ginawa niya sa’kin, dahil sa mga kung anu-anong pinagsasabi nya sa’kin. Dahil sa kanya, mag-isa na lang ako ngayon. Hindi ko alam paano ko aayusin ito, kung paano ko ibabalik yung pagsasama namin,”sey ng dating miyembro ng Hasht5.

“Sobrang nakakasama ng loob… Masaya ka ba ngayon Christian Merck Grey dahil ganito yung nangyari sa akin? Masaya ka ba dahil nakasira ka ng relasyon?” pagpapatuloy ni Xander.

Aniya, nakakaramdam siya ngayon ng depresyon dahil sa mga problemang pinagdaraanan.

Baka Bet Mo: Xander Ford ‘pinaghintay’ ni Makagwapo sa P349k, may mensahe sa mga nagsasabing mukha siyang pera

“Sobrang depressed ko sa nangyayari sa akin. Dahil dito sa inupload mo dahil sa inupload mo. Ibabalik ko naman sayo yung pera, sana dinelete mo na lang yung video, sana hindi mo na lang in-upload.

“Hindi mo man lang naisip ‘yung kapakanan ng tao. Hindi ako natutuwa sa mga nangyayari dahil sa ginawa mo, Merck. Sobra sobra tong ginawa mo sa akin,” sey pa ni Xander.

Dagdag pa niya, may pamilya rin naman si Merck kaya dapat alam nito ang kanyang kalagayan.

Nag-react naman si Christian Merck sa video ni Xander at natatawa na lang sa mga pahayag ng huli.

“Dapat umpisa pa lang… bago ka nagsabi ng kung anu-ano sa social media, dapat inisip mo ‘yung mga bagay na pwedeng kalabasan ng ginagawa mo,” sey ni Merck.

Aniya, mukhang kinakailangan nang magpatingin ni Xander sa espesiyalista dahil sa mga ginagawa nito.

“Marlou, ganito na lang, pa-check ka sa psychiatrist, sagot ko na pati gamot. Magdadagdag pa ako ng pera. Papadalhan pa kita ng pera, sagot ko na. Pa-check up ka na,” concern na sabi ni Merck.

Nawiwirduhan na rin daw siya sa ikinikilos ni Xander at parang may sakit siya dahil imbes na ayusin daw nito ang problema sa asawa ay nagawa pa nitong mag-video ng sarili.

Related Chika:
Makagwapo naiingayan kay Xander Ford, handa na bang ibigay ang ‘ipinangakong’ P349k?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xander Ford natanggap na ang P350k na hinihingi kay Makagwapo, nag-angas pa: Sana wala nang tumulad na ibang tao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending