Xander Ford natanggap na ang P350k na hinihingi kay Makagwapo, nag-angas pa: Sana wala nang tumulad na ibang tao | Bandera

Xander Ford natanggap na ang P350k na hinihingi kay Makagwapo, nag-angas pa: Sana wala nang tumulad na ibang tao

Therese Arceo |May 31,2023
facebook
share this

Xander Ford natanggap na ang P350k na hinihingi kay Makagwapo, nag-angas pa: Sana wala nang tumulad na ibang tao

Therese Arceo - May 31, 2023 - 08:06 PM

Xander Ford natanggap na ang P350k na hinihingi kay Makagwapo, nag-angas pa: Sana wala nang tumulad na ibang tao
FINALLY ay natanggap na ng social media influencer na si Xander Ford ang matagal na niyang hinihinging P350k mula sa vlogger na si Christian Merck Grey.

Ngayong araw ay ibinahagi ni Merck sa kanyang YouTube vlog na dumayo na ito sa Cavite at nagkita na sila para ibigay ang P350k.

Nangyari ito matapos mag-video ni Xander kung saan humingi ito ng tulong kay Sen. Raffy Tulfo na tulungan siyang makuha ang pera kay Merck.

“Senator Raffy Tulfo, tulungan nyo ako… Grabe na yung ginagawa sa akin ni Merck… Gusto ko rin kumuha ng lawyer… Sana mahuli na yang si Merck,” sey ng dating member ng Hasht5.

At ngayong araw nga ay ibinahagi ni Merck ang pagkikita nila at pag-uusap nila sa loob ng sasakyan.

Sa naturang video ay inamin rin ni Xander na wala namang direktang ipinangko sa kanya si Merck pero hindi rin daw kasi ito nagsabi ng “joke” kaya sineryoso niya ang pabirong sabi ni Merck.

At habang nag-uusap sila ay hinanap ni Merck ang misis niyang si Gena dahil base sa nauna nilang usapan ay ibibigay niya P350k sa harap nito.

“Wala ka na doon. Kahit sa akin mo ibigay yan, ako na bahala doon. Ako naman ‘yung tatay,” saad ni Xander.

Matapang pang dagdag nito, “Ibibigay mo ba o hindi?”

Baka Bet Mo: Xander Ford ‘pinaghintay’ ni Makagwapo sa P349k, may mensahe sa mga nagsasabing mukha siyang pera

Paninigurado naman ni Merck, ibibigay naman daw niya ang pera na para sa inaanak niya at dapat witness ang nanay nito dahil marahil magdududa siya kung saan ito gagamitin ni Marlou.

At dahil nga umaalma si Xander na papuntahin ang asawa ay tinanong na lang siya kung ano ang magiging plano nito sa pera ay sinabi niyang ilalagay niya sa bangko, gagamitin sa negosyo para daw sa pamilya niya dahil nagastos niya ang naipong pera sa binyag.

Dito na nga mapapansin na hindi consistent ang kwento ni Marlou dahil una niyang sinabi na inutang raw nito ang pinangbinyag tapos ngayon, iba na ang sinasabi niya.

Sa huli ay bumigay na rin si Merck at ibinigay na ang P350k kay Xander kapalit ang ilang kondisyon.

“Ang kapalit nito, ilalagay mo to sa bangko ng inaanak ko. Pangalawa, ayoko na ng magbi-video ka ng kahit anong sh*t tungkol sa akin. Ayoko na ng kahit na anong sasabihin mo. Wala na akong pinangako sa ‘yo. Wala na akong sinabi sa ‘yo… Ayokong malalaman na ginamit mo ito sa luho mo, sa kahit na ano. Ayoko. Kapag ‘yon nalaman ko, maniwala ka, hindi mo magugustuhan,” sey ni Merck.

Pumayag naman si Xander sa lahat ng sinabi ni Merck at tinanggap ang P350k.

“Wala na akong responsibilidad. Ok na ako sa ‘yo… Gamitin mo yang pera sa maayos na paraan. Sa savings, sa business… And please tigilan mo na ako sa social media,” pagpapatuloy ni Merck.

Sa huli ay makikita mong napakaangas pa ni Xander kahit na ibinigay na ni Merck ang pera sa kanya.

“Salamat ha kasi kung hindi pa ako nag-post, hindi ka pa magbibigay. Sana wala nang tumulad na ibang tao [sa ‘yo],” nakaangil na sabi ni Marlou.

Sinabihan pa siyang “bobo” ni Xander nang pababa ito sa sasakyan st pabagsak na sinara ang pinto.

Related Chika:
Makagwapo naiingayan kay Xander Ford, handa na bang ibigay ang ‘ipinangakong’ P349k?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xander Ford iginiit na dapat lang ibigay sa kanya P349k ni Makagwapo: Utang ‘yun!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending