Xander Ford humingi ng tulong para makuha ang P349k kay Makagwapo, aware na imbyerna sa kanya ang madlang pipol | Bandera

Xander Ford humingi ng tulong para makuha ang P349k kay Makagwapo, aware na imbyerna sa kanya ang madlang pipol

Therese Arceo |May 16,2023
facebook
share this

Xander Ford humingi ng tulong para makuha ang P349k kay Makagwapo, aware na imbyerna sa kanya ang madlang pipol

Therese Arceo - May 16, 2023 - 04:11 PM

Xander Ford humingi ng tulong para makuha ang P349k kay Makagwapo, aware na imbyerna sa kanya ang madlang pipol

LUMAPIT ang social media personality na si Xander Ford upang “makuha” ang perang ipinangako diumano ng kapwa influencer niyang si Christian Merck o kilala bilang si Makagwapo.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya ang isang video kung saan makikita siyang nakasakay sa kotse habang nagkukwento.

“Pupunta tayo doon sa influencer na kaibigan ko na tutulungan ako para mabawi ‘yung pera doon kay Christian Merck Gray,” pagbabahagi ni Xander.

Matatandaang viral ngayon ang first-time daddy matapos niyang ibunyag na ang pinatutungkulan niya sa mga recent posts niya ay ang vlogger na si Makagwapo at nangako ito na sasagutin ang kalahati ng gastos sa binyag ng kanyang anak na si Baby Xeres.

Ani Xander, bukod sa gastos sa binyag ay pinangakuan rin siyang bibigyan ng P349,000.

Ngunit magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin daw natutupad ang mga ipinangako sa kanya ni Makagwapo.

Baka Bet Mo: Xander Ford ‘sinisingil’ ng P349k si Makagwapo: ‘Gusto ko lang naman makuha ‘yung para sa amin’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xander Arizala (@z4nder.official)

“Sobra sobra na kasi akong problemado dahil nga sa mga pinagkakautangan ko at sa mga problema ko. At sana nga guys ay makuha na natin ‘yung talagang para sa atin kasi siyempre marami rin akong pinagkakautangan,” chika pa ni Xander.

Aware naman ang social media personality na marami ang naiimbyerna sa kanya ngayon dahil sa mga hanash niya online.

“Alam ko galit na galit kayo sa akin kaso nga umaasa ako doon sa pera na ‘yun pero kung kayo yung nasa posisyon namin, maiintindihan nyo ko at mauunawaan n’yo kung nakit ganito ako kagalit na galit. Kasi nga guys, mahirap lang ako at hindi ako mayaman,” lahad ni Xander.

Sa dulo nga ng video ay makikitang si Awitgamer pala ang pinuntahan niya para humingi ng resbak kay Makagwapo.

Sey ni Xander, wala siyang problema sa kanilang samahan ni Awitger dahil lagi siya nitong tinutulungan at nakakausap sa Facebook.

Ito nga rin daw ang nagsabing magkita sila para mapag-usapan ang problema niya kay Makagwapo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi naman ipinakita ni Xander ang kanilang napag-usapan at sa halip nag-post ng larawan nilang magkasama na may caption na “Nakahingi na ako ng tulong Merck”.

Related Chika:
Ogie Diaz nag-react sa ‘patama’ post ni Xander Ford: Kung ako man itong pinariringgan, pasensya na

Xander Ford ‘feeling lonely’ sa kanyang birthday: Kapag wala kang pera, walang taong gugustuhing maging kaibigan ka!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending