Xander Ford iginiit na dapat lang ibigay sa kanya P349k ni Makagwapo: Utang 'yun! | Bandera

Xander Ford iginiit na dapat lang ibigay sa kanya P349k ni Makagwapo: Utang ‘yun!

Therese Arceo |May 23,2023
facebook
share this

Xander Ford iginiit na dapat lang ibigay sa kanya P349k ni Makagwapo: Utang ‘yun!

Therese Arceo - May 23, 2023 - 11:24 PM

Xander Ford iginiit na dapat lang ibigay sa kanya P349k ni Makagwapo: Utang 'yun!

MULING nagsalita ang social media personality na si Xander Ford hinggil sa isyu nila ng kapwa vlogger na si Christian Merck Grey o mas kilala bilang Makagwapo.

Sa kanyang Facebook page ay naglabas ng video ang dating miyembro ng Hasht5 at sinabing nagkausap na sila ni Makagwapo hinggil sa perang “ipinangako” ras nito sa kanya.

Ayon kay Xander, pumayag na raw si Makagwapo na ibigay ang “sinisingil” niyang P349,000.

“Ngayong araw na ito sy sumagot na si Christian Merck Grey at ang sabi niya, babayaran na raw niya ang utang niya na P349,000.

“So ayun nga, aabangan ko na lang si Merck kung kailan niya ibibigay ang pera at tatawagan ko siya,” pagbabahagi ni Xander.

Ipinangako pa nga nito na ipapakita niya sa madlang pipol ang kanilang transaksiyon o kung paano ibibigay sa kanya ni Makagwapo ang P349k.

Baka Bet Mo: Xander Ford humingi ng tulong para makuha ang P349k kay Makagwapo, aware na imbyerna sa kanya ang madlang pipol

Chika pa niya, tama lang raw desisyon ni Merck o Makagwapo na ibigay na ang matagal na niyang kinukuda online.

“Alam mo Merck, dapat lang na magbayad ka. Alam mo kung bakit? Kasi utang mo yun, Merck. Utang ‘yun. Utang mo ‘yun. Kung hindi pa ako mag-iingay sa social media, hindi mo pa babayaran utang mo?” matapang na sabi ni Xander.

Dagdag pa niya, “Meron ka pa palang kahihiyan sa balat mo. Pero alam mo Merck, hanga ako sa ‘yo kasi gumamit ka ng talino at tumayo ka at nanindigan ka sa salita mo.

Lahad ni Xander, kung hindi raw kasi talaga ibibigay ni Makagwapo ang diumano’y pera niya ay ipapa-Tulfo na niya ito.

Matatandaang una nang dinenay ni Makagwapo na may ipinangako siya sa social media personality dahil nang mag-usap raw sila ay na biro lamang ang sinabi niya at hindi inaasahang seseryosohin ni Marlou.

At para raw matahimik na ang lahat ay pumayag na siyang ibigay ang P349k na sinasabi ni Xander dahil masyado na itong nag-iingay sa social media.

“Ayoko naman na parang may nadadamay na bata which is yung anak ni Marlou, siyempre tatay rin naman ako, so para matapos na, para matuldukan na ‘to, oh sige na Marlou, papaubaya na ‘ko… ibibigay ko na yung perang hinihingi ni Marlou!” sabi ni Makagwapo sa isang Facebook video.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Makagwapo itinanggi ang pangakong P349k kay Xander Ford: Hindi ko responsibilidad ang anak mo!

Makagwapo naiingayan kay Xander Ford, handa na bang ibigay ang ‘ipinangakong’ P349k?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending